Enjoy Reading TAHIMIK LANG silang naglalakad papunta sa condo ni Sweetness. Nag-away sila ni Josh kanina about sa pananahimik niya. Iniisip niya kasi ang babaeng tumawag sa kanya at sinasabing ito ang Ina niya. Hindi pa nga natatapos ang problema niya at may dadagdag na naman. Gusto na lang maglaho ni Sweetness na parang bula. Nakaramdam ng sama ng loob si Sweetness lalo. Iniisip niya ang dahilan kung bakit bigla itong tumawag sa kanya para kamustahin siya. Napapikit na lang siya at pinigilan ang sakit na sakupin ang puso niya. "Anak kamusta ka na?" Biglang namanhid ang buong katawan ni Sweetness nang marinig ang boses ng babae sa kabilang linya. Tinawag siya nitong anak na para bang malapit sila sa isa't-isa at para bang hindi siya iniwan para maghirap at mangulila sa pagmamahal ng

