Enjoy Reading KINAKABAHAN si Sweetness dahil hindi man lang umuwi si Josh. Hindi niya rin ma-contact ang binata. Alam niyang galit ito sa kanya. Ngayon ay hindi niya alam kung ano'ng mangyayari matapos ang nakita ni Josh sa kanila ni Kaito. Alam niyang may mali siya sa parte na 'yon. Pinagbigyan man niya si Kaito ay alam niyang magiging malaking gulo talaga lalo't nakita ni Josh. Iba ang pumasok sa isip nito nang makita sila ni Kaito na naghahalikan, kahit sino naman siguro. Gusto naman talaga niyang itulak si Kaito. Sakto lang talagang nauna pang nakita ni Josh na naghahalikan sila. Masyado niyang nasaktan si Kaito kaya ang huling hiling nito ay sinunod niya. Nangako naman itong hindi na ipipilit ang sarili sa kanya. Nagmamadali siyang tumayo nang bumukas ang pinto ng condo niya at

