Enjoy Reading:) "AYOS ka lang ba?" napatingin si Sweetness kay Josh. "Hmm?" Nagulat na lang siya nang halikan siya ni Josh sa noo. Magkatabi kasi siyang nakaupo at wala silang prof. pero may iniwan na gagawin. Gumagawa sila ng plates at ipapasa rin maya-maya lang. "May problema ka ba?" tanong ni Josh sa kanya ulit. Okay na silang dalawa. Akala niya hindi papasok si Josh dahil may hangover ito kanina at hirap pa niyang gisingin. Hindi naman talaga siya nakatulog kaya medyo inaantok siya. Napatingin siya sa plates niyang wala pang naka-drawing kaya kinuha niya 'yong mechanical pencil niya para magsimula na pero hindi naman siya tinantanan ni Josh kasi hinawakan nito ang kamay niya. "Galit ka ba kasi uminom ako? Sorry na, kanina ko pa kasi napapansin na sobrang tahimik mo," mahina ni

