KABANATA 7 HABANG SI ISIAH ay namumula pa rin ang mukha at nagugulat sa nangyari, hindi naman nakatakas sa mga paningin ni Rimuel ang tagpo na iyon. Nasa may dulong bahagi ito noon ng falls, naka-upo sa may bato malapit sa nagbabagsakang tubig. Kapag tumingala ito ay ang unang cottage kaagad ang makikita nito kung nasaan ang pwesto nila. Hindi alam ni Rimuel kung ano ang eksaktong nangyari sapagkat pagkatingala nito ay nakatalikod si Elijah, pero kitang kita nito nang hinawi ang kapitan ni Isiah at sa namumula ngang mukha ay malalaki ang hakbang paalis doon. Elijah was left na napahilamos sa mukha, ginulo ang buhok, at napapapikit ng mariin — tila may nagawa na hindi maaari. Rimuel blinked a few times habang bahagyang nakabuka ang bibig, until he realized na nagulat pala ito ng ilang seg

