KABANATA 8 NATAPOS ANG ARAW ng kasiyahan at balik na muli sa dating daloy ng kanikanilang buhay sila Elijah. Balik na muli sila sa kanilang mga trabaho, pero ang kaisipan niya ay naandoon pa rin at naiwan sa kanilang Hacienda kung saan nangyari ang ikalawang engagement party nila ng kaniyang fiancé. He doesn’t know kung ilang beses na siya natulala sa hawak na mga papeles dito sa kanilang headquearters, kung saan may schedule ng mga lugar kung saan sila susunod na madedestino at kung ano ang kanilang misyon doon. Until Dexter came in at naabutan nga sa gitna ng pagkabalisa ang kanilang kapitan. Tahimik lamang na dumaan sa kaniyang likuran ang right hand ni Elijah sa Alpha Team, pero sa ikatlong buntong hininga ng kapitan ay hindi na natahimik pa si Dexter. "Capt, mukhang ang lalim ng in

