KABANATA 3
HALOS ABUTAN NG alas-syete ng umaga ang AGH Medical Staff, Philippine Army Medical Staff, Armed Force, at lahat ng nakibahagi sa pagtulong sa lahat ng casualty ng nangyaring pagsabog. Even those media personel sa labas na tutok din sa pagkuha ng updates at scoop ay inumaga na rin. Halo ang pagod at antok maging gutom ay lupaypay na ang lahat sa loob ng hospital sa pagpapahinga. Ang ibang pasyente ay natutulog na at kahit may ibang dumadaing pa dahil sa labis na napuruhan, todo asikaso naman sa kanila ang kanilang pamilya. Naidala na rin ang lahat ng mga namatay sa morgue at nagpapasalamat pa rin ang mga pamilya nila sa tulong lalong-lalo na mula sa Presidente.
Pumalakpak si Rimuel Eleazar sa harapan ng kanilang mga nurse at doctor na noo'y tila mga lantang gulay na sa pasilyo.
"Good job team! We did a job well done. For now, let's all take a rest. Ang mga morning shift muna ang maiiwan dito, pero kailangan agad nating makabalik. Lahat ng day-off, hindi muna makaka-day-off. Sana maintindihan niyo, we need all of you here," pagpapahayag nito na sinang-ayunan naman ng lahat.
Alas-syete y media ay muling dumalaw ang Presidente at ang Director ng hospital na ang humarap dito kasama ang Commanding General ng AFP para maka-alis na rin ang iba para makapagpahinga. Pinasalamatan sila ng Presidente sa kanilang serbisyo at muli ay namahagi ng pagkain sa mga pasyente roon.
Hinang-hina si Isiah na nagtungo sa palikuran na para sa mga staff ng hospital at naghilamos. Kitang-kita niya ang eyebag sa ilalim ng kaniyang mga mata and his lips looked pale. Marahil sa halong pagod at gutom. Naisip niya na matulog ng kaunti sa kaniyang condo, pagkatapos ay kakain para makabalik kaagad sa hospital.
Bitbit ang kaniyang sling bag ay tumalima na siya para maka-uwi. Hawak ang isang puting face towel na kasalukuyan niyang pinupunas sa mukha ay natigilan siya ng may nadapuan ng mga mata. Napapreno siya sa paglalakad at nabitin sa kaniyang mukha ang kamay na may hawak na tuwalya.
Nakita ni Isiah si Captain Eleazar na tinutulungan ang isang matandang sugatan para makahiga ng maayos. Actually, buong durasiyon ng pagreresponde nila, he already observed that the captain is a very helpful person. Halata man ang pagod at antok sa mukha nito ay naandito pa rin ito at sige pa rin sa pagseserbisyo. Ngayon, naiintindihan na niya kung bakit nasa kapitan ang puso ng mga tao. Winaglit niya sa isipan ang pagtulong nito sa kaniya na sa katotohanan ay hinaluan niya ng ibang rason. Now, it is very clear to him na genuine lang ang pagtulong nito sa kaniya.
Arah Suazon is really lucky.
"Isiah!" narinig niya ang boses ng kaibigang si Allie kung kaya nilingon niya iyon. Nasa likuran nito ang kasintahang si Rimuel, nakangiti at nakapamulsa. Hindi naman tago kay Isiah kung anong meron sa kaibigan niya at sa kanilang DON.
"Sabay ka na sa amin ni Rim, hatid ka namin sa condo mo."
Walang pagtanggi na tinanguan niya ang offer nito, alam niya kasing hindi na rin niya kayang mag-commute pa.
"Going home, Rim?" si Arah Suazon na nadaanan nila habang nagbibigay ng mga pagkain sa mga kapamilya ng mga pasyente na naroon din — lalo na ang mga nanay kasama ang kanilang mga anak. Buong magdamag din kasi ang mga ito na naghihintay na maging maayos ang kanilang kapamilya.
"Yeah. We'll be back very soon," si Rimuel at kinamusta pa ang pasyente sa harap ni Arah.
"Good! Isabay niyo na si Elijah. Hindi niya kasi nadala ang sariling kotse at sumakay lang sa patrol car ng mga pulis kagabi. Hatid niyo na lang siya sa bahay namin, please?"
Bahay namin — ofcourse nakatira na silang dalawa sa iisang bubong. Ang tumakbo sa isipan ni Isiah.
"Baby!" tawag pansin ni Arah sa kasintahan na agad namang lumapit sa kanila.
Hindi nakawala sa mga mata ni Isiah ang agarang pagpulupot ng isang kamay ni Elijah sa bewang ni Arah. Umiwas siya ng tingin at inabala ang sarili sa mga pasyente sa paligid.
"Hm? What is it?" Elijah confusely looked at them — kay Arah at sa pinsan.
"Uuwi na raw itong pinsan mo..." Tinuro pa ni Arah si Rimuel. "Why don't you go with them? Pagod ka na at inaantok."
"Are you sure? Baby, you know I can't leave you here," si Elijah.
Nalukot ang mukha ni Isiah sa narinig habang impit naman ang pagtukso ng kaibigan niyang si Allie sa mga ito. Rimuel laughed at umiling-iling lang sa magkasintahan.
"Ano ka ba!" Tinapik ni Arah sa balikat si Elijah para magtago ng kilig. "Daddy is here at may mga bodyguards din. I'll be fine, take a rest."
Hindi na gusto pang manatili ni Isiah doon, nababagot na siya at naririndi sa mga naririnig. Kung kaya ay hinawakan niya sa braso ang kaibigang si Allie at sinimulang hilahin ito paalis doon.
"Tara."
"H-ha? Teka Isiah, naandoon pa sila," nagtatakang sabi ni Allie.
"Mauna na tayo sa sasakiyan," bagot na sagot ni Isiah sa kaibigan.
SAMANTALA AY NAIWANG nag-uusap pa rin sa loob ng hospital sila Arah, Elijah, at Rimuel. They didn't even notice na wala na ang mga kasamahan nila. Kung hindi pa napalingon si Rimuel sa pwesto kung saan nandoon kanina sila Allie at Isiah ay hindi pa nila mapapansin.
"Wait, where are those two?" bulong ni Rimuel sa sarili bago bumaling muli sa magkasintahan. "Sorry to interupt, but I think we should go, cous."
Si Arah na ang tumango rito at tinulak-tulak na ang kasintahan na ayaw pa rin umalis sa tabi ng dalaga. Elijah gave Arah a peck on her lips bago sumang-ayon sa pag-alis.
"See you later, baby. Huwag masyadong magpagod, ha? Babalik kaagad ako," ani Elijah dito.
"Bye, Rah! Babalik din kami," paalam din ni Rimuel kay Arah at sabay na sila ng pinsan na lumabas sa exit ng hospital para magtungo sa parking lot.
"Sweet, sweet pa rin ng lover boy kahit antok na at pagod," panunukso ni Rimuel sa pinsan habang naglalakad sila palabas.
Elijah snorted at nakataas ang isang kilay na binalingan ang pinsan.
"Says the one who will have a good rest later. Mukhang maka-i-iskor pa kahit pagod at antok. Dahan-dahan lang, Doc," ani Elijah at pumalahaw naman ng tawa si Rimuel dahil doon.
Ngingisi-ngisi itong bumaling kay Elijah na tila ba nakuha kaagad ng pinsan ang nasa isip niya. Nasa dugo rin kasi iyan ng mga Eleazar — maginoo pero medyo bastos. Mataas pa ang mga stamina kung kaya hindi ka mabibitin sa kanila.
Rimuel and Allie — they are also living together sa iisang condo, kung kaya automatic na ang iskor na sinasabi ng pinsan. Unlike Elijah na kahit live-in na rin sila ng kasintahang si Arah, minsan lang maka-iskor dahil magkaiba sila ng trabaho. Conflict of schedule.
"Elijah my cousin, nasa dugo na iyan."
Napailing na lamang si Elijah sa ngingisi-ngising pinsan at nanahimik lamang sa tuksuhan ang dalawa nang nasa tapat na sila ng kotse ni Rimuel. Allie is sitting at the passenger seat katabi ng magmamaneho na si Rimuel. When Elijah opened the door sa backseat, natigilan pa siya sa nakitang nakaupo roon.
Isiah is sitting at the other side of the backseat, magkakrus ang mga braso at nakatingin lang sa labas ng bintana ng kotse — opposite to where Elijah is. Agaran na tumaas ang isang kilay ni Elijah pero tahimik din na pumasok sa loob at naupo. Tumikhim ang kapitan pagkaupo, pero nanatili sa ganoong pwesto ang doktor.
"Oh yeah..." si Rimuel. “Uunahin muna nating ihatid si Isiah sa condo niya. You guys know each other already, right?" Sa pinsan nitong si Elijah ito nakatingin mula sa rear mirror ng kotse.
Tumango si Elijah dito. "Yeah, we're good. ‘Di ba, Doc?"
Bahagya lang na lumingon si Isiah sa kanila bago muling tumingin sa labas ng kotse. Isiah just gave them a slight nod. Medyo mabigat na rin kasi ang mga mata nito sa sobrang antok at wala na itong gana pang makipag-usap sa kanila. He wants to go home fast and feel the softness of his bed.
"Good nga eh. Rinig na rinig ko ang halakhak mo kaninang madaling araw sa staff room. Sabi nila itong si Isiah daw ang kasama mo roon. Anong pinag-usapan niyo, ha?" pang-iintriga ni Rimuel sa dalawa.
Hindi napigilan ni Elijah ang matawa nang maalala ang mga napag-usapan nila ni Isiah sa staff room habang lumalamukod ito ng burger. Even his face nang mabulunan ito sa pagmamadaling kumain ay hindi nakatakas sa isipan ni Elijah.
"Marunong din pala maging clown itong si Doctor Isiah eh, ‘di ba Doc?" tukso ni Elijah dito sabay natawa ang tatlo.
Nagtaka lamang sila nang wala silang nakuhang sagot sa doctor. Kung hindi lamang lumupaypay ang ulo nito at diretsong bumagsak sa balikat ni Elijah ay hindi pa nila makikitang nakatulog na ito. They were all shocked by that.
Kaagad na bumaling ang kaibigan ni Isiah na si Allie sa backseat para humingi ng pasensiya sa kapitan na noo'y natitigilan. "Naku Capt, pasensiya ka na sa kaibigan ko. Gusto mo ba na itigil natin ang kotse at ako na riyan sa pwesto mo?" nag-aalala na sabi ni Allie.
"No, it's okay." Ngumiti si Elijah kay Allie para siguraduhin dito na ayos lang. "I can manage."
Inayos pa ni Elijah ang ulo ng tulog nang doktor sa kaniyang balikat. Pinanatili pa niya ang isang kamay sa ulo ni Isiah para hindi ito mahulog sa pagkakapatong sa kaniyang balikat. Elijah secretly smiled to himself.
He must be so tired. Nangingiti pa rin niyang isip at sa lapit ng buhok nito sa banda ng kaniyang ilong ay naaamoy niya ang tila sandalwood na aroma nito.
You smell so f*****g good, Doc. Isip niya pang muli.
Tahimik naman na nag-o-obserba ang pinsan nitong si Rimuel mula sa harapang salamin ng kotse. Ayaw nitong mag-isip ng kung ano, alam nitong sadyang matulungin lang talaga ang pinsan. He doesn't want to waver while seeing his cousin smiling at himself while taking care of one of his friend, pati ang panaka-naka at pasikretong pag-amoy sa buhok ni Isiah ay hindi nakalagpas sa pag-obserba ni Rimuel. Nilagay na lang ni Rimuel sa isipan kung gaano kamahal ng pinsan ang fiancé nito na si Arah sapagkat saksi mismo siya sa pagmamahalan ng mga ito.
And he wouldn't dare with a man. Not Elijah, I guess? Sa isip pa ni Rimuel.
Halos kalahating-oras din ang byinahe nila at pasado alas-nuebe nang makarating sila sa condo ni Isiah. Marahang hinaplos ni Elijah ang buhok nito at inilapit ang bibig niya sa tenga ng tulog na tulog pa rin na doktor.
"Doc, wake up. We're here now," mahinang bulong ni Elijah dito na bahagyang kinakunot ng noo ni Isiah.
Isiah groaned at unti-unti ay binuksan ang mga mata nito. Sa una ay i-n-adjust muna nito ang nanlalabong paningin, pero nang maalala kung nasaan ito ay agaran itong napabangon. Nanlalaki ang mga mata na napatingin ito kay Elijah at sa kung saan nakahiga ang ulo nito kanina. Isiah's cheeks instantly painted with red at naikagat ni Elijah ang ibabang labi para magpigil ng nanunudyong ngiti.
"P-pasensiya na, Capt," ani Isiah at tumingin kila Rimuel at Allie. "Salamat sa paghatid. See you later."
Dali-daling lumabas si Isiah sa kotse habang nakatakip ang isang kamay sa bibig nito. Sobrang init ng magkabila nitong pisngi at gusto na lang nito ay kainin ito ng lupa sa hiya. Samantala, ang naiwan na si Elijah sa loob ng sasakiyan ay mangha na tinatanaw ito mula sa salaming bintana ng kotse. Lumapat ang mga daliri niya sa ilalim ng kaniyang labi at naglaro roon. He can't help but to think how interesting Doctor Isiah is.