KABANATA 4

2217 Words
KABANATA 4 DAYS PASSED AT unti-unti nang umayos ang lagay ng mga pasyente sa nangyaring pagsabog. Ang iba ay na-discharge na, samantalang bente pababa pa ang naroon sa hospital lalo na iyong mga napuruhan talaga. Humuhupa na rin ang balita tungkol sa naganap na trahedya at kamakailan lamang ay binalita na sinentinsiyahan ng habangbuhay na pagkakakulong ang mga suspek na involve sa nangyari. Pinasalamatan ng lahat ang mga sangay ng gobyerno sa pagbibigay nila ng kanilang serbisyo, lalong lalo na sa Presidente ng bansa na hands-on at tutok sa nangyari. Walang araw na hindi ito dumadalaw sa hospital para masigurado ang lagay ng kaniyang mga tao. Kung kaya ay halos naging madali lang din ang pagpapagaling nila, everything was provided for their fast recovery. Nagiging balik normal na rin sa dati ang daloy ng trabaho sa Aidien General Hospital. Normal na ulit ang schedule ng mga empleyado mula sa halos mahigit sa isang linggong bugbog sa trabaho. Pero worth it naman dahil maganda naman ang mga naging kapalit — mga parangal at pagpapasalamat. Dahil nasa ayos na muli ay hindi na hectic ang gawain nila Isiah. Panaka-naka na lang nilang chinicheck ang mga natitira pang pasyente at sinisigurado na maayos na sila bago makalabas ng hospital. Nagkaroon pa ng interview mula sa media ang hospital nila noong isang araw at nasisiyahan ang mga mamamayan na malaman na maayos na ang lahat. Dahil din sa trahedya na ito ay naging mas mahigpit sa seguridad ang mga establisiyemento, sa payo na rin ng Pangulo. "Doc, mananghalian na po tayo," nakangiting bati ng isang trainee kay Isiah na noon ay tinitignan ang isang pasyente nilang bata. Kaka-check-in lang nito kanina dahil sa mataas na lagnat at matigas na ubo. Nasa Non-ICU ito kung saan madalas si Isiah. "Sige mauna na kayo, susunod ako," maliit ang pagkakangiti rin na sagot niya sa mga ito. The interns giggled before leaving his sight. Napailing lamang si Isiah at hindi maiwasang matuwa sapagkat kahit alam naman ng mga ito na bisexual siya ay todo papansin pa rin ang mga ito sa kaniya, umaasa na makuha ang kaniyang atensiyon. Hindi naman siya nginingiwian o iniiwasan ng mga ito kapag nakikita nila siya minsan na sumusulyap sa mga pogi na napupunta sa hospital. Good thing those kids are not narrow minded. Pumunta siya sa kanilang front desk para sana mag-break nang matanawan niya sa entrance ang pagpasok ng mga sundalo. Nangunguna ang Commanding General ng mga ito at sa tabi nito ay ang gwapong kapitan na si Elijah. Tumikhim bahagya si Isiah at dumiretso na sa paglalakad. Ngayon lang din kasi nadalaw muli rito ang AFP dahil naging busy rin ang mga ito sa kanilang mga responsibilidad. Ngayon lang din muli nakita ni Isiah si Elijah, matapos ang araw na iyon. Ang araw ng kahiya-hiya niyang pagtulog sa balikat nito. Ayaw ko nang maalala! Usal niya sa kaniyang isipan. Inabala niya ang sarili sa pag-che-check ng mga reseta sa kanilang desk at sa panaka-nakang pag-check sa kanilang monitor kung sino o anong room ang madidischarge ngayon. Tinignan niya rin muli ang note ng graveyard shift for endorsements na hindi niya pa nagagawa. After ng break ay iyon ang tututukan niya. "Good noon, Doc," isang boses ang umagaw sa kaniyang atensiyon. Mula sa pagkakayuko ay inangat niya ang kaniyang paningin, only to see the smiling Captain Elijah. The man leaned sa itaas ng desk at diretso siyang tinignan, nanundyo ang paningin nito at hindi niya gusto ang nanunuksong ngiti na nakaplaster sa labi nito. Nanliit ang mga mata ni Isiah at pagkatapos ay kinunutan niya ito ng noo. "May maitutulong ba ako sa iyo, Captain?" pagtatanong niya rito at sinubukang pormalan ang boses. Elijah chuckled and gave Isiah a flirtatious look, tumaas ang kilay ni Isiah dahil doon. "Hmmm..." kunwaring nag-iisip na si Elijah. "I just want to ask if how are you these days. Matagal kitang hindi nakita." Gustong matawa ni Isiah sa katanungan nito. Dumaan lang ito sa pwesto niya para tanungin iyon sa kaniya? Hindi lang naman siya ang matagal nang hindi nakikita nito — kesa ang mga pasyente ay siya kaagad? Hindi alam ni Isiah kung ma-ta-touch ba siya or maaalibadbaran dito. Tinaasan niya pa rin ito ng kilay. "Maayos naman ako, Capt. Salamat sa pangangamusta," Isiah cooly answered. "If you'll excuse me, mag-be-break na ako. Baka hinahanap ka na rin nila roon sa ward." Ipinasok ni Isiah ang dalawa niyang kamay sa bulsa ng kaniyang puting lab coat at tinalikuran na ang kapitan. Elijah chuckled at himself seeing how Isiah reacted. Kaagad itong umalis sa pagkakatunghay sa desk ng hospital's front desk at nagmamadali na sinundan ang doctor. Pabiro nitong inakbayan si Isiah na ikinatigil ng doctor sa paglalakad. Pinanlakihan ni Isiah si Elijah ng mga mata habang nakatingala rito. Mabilis siyang napatingin sa paligid at napahinga ng maluwag nang makitang wala namang tao sa pasilyo kung nasaan sila. Tumingin siya sa naka-akbay na braso sa kaniyang balikat at pagkatapos ay sa nagmamay-ari ng braso na iyon. Nakataas ang dalawang kilay ni Elijah sa kaniya at may pilyong ngiti sa labi nito na kanina pa gustong tanggalin ni Isiah sa pagmumukha nito. "Anong ginagawa mo?" pabulong niyang turan sa kapitan. "Paano kung may makakita sa atin, ha?" Bigla ay nagtaka si Elijah. He was confused. Ano naman kung naka-akbay siya rito? There's no malice on it – or there is? "Ano namang masama? Naka-akbay lang naman ako sa iyo, Doc. That's what friends do, right?" ani Elijah. Natigilan si Isiah at napatitig sa walang kaalam-alam na mga mata ni Elijah – si Elijah na walang malay. Hindi nito alam ang s****l orientation niya lalo na sa mga pogi gaya nito. Lahat ng katangian sa isang lalaki na type niya ay nakay Elijah, kung kaya ay lagi niya itong sinusulyapan. He smells so good too. He has this musky smell at gusto niya rin iyon sa isang lalaki. Kaso may fiancé na ito at hindi tama na pagpantasyahan niya ang lalaking ito – lalong-lalo na iyong may singsing na sa daliri. Tinanggal ni Isiah ang pagkaka-akbay ni Elijah sa kaniya at diretso niya itong tinignan. "Ayaw kong makipagkaibigan sa iyo. Leave me alone, Captain Elijah." Pagkasabi niya no’n ay iniwan na niya itong nakatayong mag-isa sa pasilyo at dumiretso na sa kanilang canteen. ELIJAH WAS LEFT dumbfounded sa gitna ng pasilyo kung nasaan sila kanina ni Isiah. Hindi makapaniwalang napabuga siya ng isang tawa habang tinatanaw ang daan na nilalakaran kanina ng doctor. Napailing ang gwapong kapitan at naglakad na pabalik para pumunta sa ward ng hospital, kung saan ang mga pasyente na dadalawin nila. Ang paalam niya sa CG nila ay mag-c-CR lang siya, kung kaya baka nagtatakha na ito at wala pa rin siya. Sisipol-sipol siyang nagtungo sa kinaroroonan ng kaniyang team at agad na nagtama ang mga mata nila ng kaniyang matalik na kaibigan – si Dexton Ingillo. Ito ang kaniyang right arm man sa kaniyang team – Alpha Team – na siyempre, siya ang kapitan. "Good mood, ah?" nakataas ang labi nitong bungad sa kaniya. "May nangyari ba sa pag-ihi mo, Captain?" Inilingan lang ito ni Elijah at hinarap ang matandang pasyente na nakasama sa pagsabog. Medyo maayos na ito at maaliwalas na ang mukha. "Kumusta na po, Tatay?" pangangamusta niya rito. "Maayos na po, Kapitan. Salamat po sa inyo," nangingiting pasasalamat ng matanda. "Mabuti naman po kung ganoon. Pwede pa tayo kaagad makapagtrabaho ulit, ano po?" Elijah laughed at nahawa naman ang matanda sa kaniya. Nanatili sila roon ng halos isang oras, bandang ala-una na nila napagdesisyunang umalis at bumalik sa kanilang kampo. Sinabihan lang ni Elijah ang kanilang CG na mauna na sila at dadaanan muna niya ang pinsan dahil may nais lang sabihing importante. Hinayaan naman siya ng mga ito at anila’y sumunod kaagad. Kapagkuway, nagpaalam na ang mga ito sa mga pasyente at mga medical staff na naroon sa ward. Luminga-linga pa si Elijah baka sakali na makita muli si Isiah dahil alam niya na tapos na ang lunch break, kaso hindi niya nakita ni anino nito. Wala rin naman siyang ideya kung saan na ito naka-duty ngayon. Dumiretso na lang siya sa opisina ng kaniyang pinsan na malapit sa NON- ICU ward at nabungaran itong may kausap na kapamilya ng isang pasyente na nasa ER daw. Papalabas na rin naman ang matandang nanay na binati pa muna ni Elijah bago ito tuluyang lumabas. "What brings you here again, cous? Paborito mo na talaga laging tambayan itong opisina ko," iiling-iling na sabi ni Rimuel sabay sandal sa kinauupuang swivel chair. Umupo si Elijah sa pang-isahang sofa na naroon at ngumiti ng malawak sa pinsan. "Can you take a leave for two days next week?" agad niyang sabi na kinakunot ng noo ng kaniyang pinsan. "Bakit? Ano na namang meron?" Rimuel asked. "Itutuloy natin ang naudlot na celebration ng engagement namin ni Arah. Doon tayo sa falls na paborito nating tamabayan dati sa hacienda," ngingisi-ngising sabi ni Elijah na kinatawa naman ng kaniyang pinsan. "You know I am busy, cous. Have you contacted all of our cousins?" "Yeah," Elijah cooly said. "Pinaalam ko na kayo sa Director niyo, oo mo na lang ang kulang Rim." Napatanga si Rimuel kay Elijah dahil sa sinabi niya. "Kayo? Sinong kayo?" Rimuel asked dahil sa isang salita na iyon ni Elijah na napansin nito. "You, your boyfriend, and my new friend." Kumunot ang noo ni Rimuel. "New friend? Here at the hospital?" Tumango si Elijah bilang sagot doon. "At sino naman itong nabingwit mo?" natatawang ani ni Rimuel. "Dr. Isiah Madrigal," Elijah said in a sing song voice na kinatawa na talaga ni Rimuel. "Si Isiah?" si Rimuel. "Dude, si Allie lang ang kinikilalang kaibigan n'un. Kami nga sa maniwala ka o hindi, hindi magkaibigan. Aniya ay boyfriend lang ni Allie ang pagkakilanlan niya sa akin." Nawala ang ngiti ni Elijah and he scowled on his cousin. "For me, he's my friend. His opinion doesn't matter." Napailing na lamang si Rimuel sa sinabi ng pinsan. Hindi man nito alam kung saan nakuha ni Elijah ang ideya na kaibigan ng pinsan ang doctor, hinayaan na lamang ni Rimuel ang pinsan. For sure, Isiah will have more bad days to come dahil makulit ang pinsan niya. Kapag may gusto kasi si Elijah, he won't accept any "no". "O siya sige at kailangan din namin ng relaxation dahil sa nangyari nang nakaraan. Count us in,” pagsang-ayon ni Rimuel na kinangiti muli ni Elijah. Tumayo na ang kapitan sa paghanda para umalis nang magsalita muli si Rimuel. He was already touching the door handle by that time. "Elijah, be careful whom you’re playing with this time. It may backfire to you," seryosong sabi ni Rimuel at alam na kaagad ni Elijah ang ibig nitong sabihin, hindi niya lang maiwasang magtakha ng bahagya. Sa kaso ni Elijah, makulit siya at kapag may gustong tao na kaibiganin hindi niya tatantanan ang tao na iyon. It's like a play to him, pero kapag kaibigan na niya ang taong iyon ay kapamilya na niya kung ituring. Alam iyon ng mga nakakakilala na sa kaniya. Hindi lang niya maintindihan kung bakit sa dinami-rami ng taong gusto ni Elijah noong maging involve siya ay kay Isiah lang nagbitiw ng mga ganitong salita si Rimuel. That it might back fire to him, sa anong dahilan naman? "Cous, I just really want to be friends with him. Wala naman akong masamang hangarin sa kaniya at hindi naman siyang masamang tao, hindi ba? Relax," ani Elijah at nagdiretso na sa pag-alis. Naiwan naman si Rimuel na iiling-iling habang nakatingin sa nilabasan ng pinsan nito. "Oh you don't know what you are saying, cous," bulong ni Rimuel sa hangin dahil alam nito ang s****l orientation ni Isiah at kung anong klaseng lalaki ang type nito base sa nasabi ni Allie noon. Lalo na sa mga persistent na kagaya ni Elijah. The more a person want to get involve on Isiah, the more Isiah can't avoid that person hanggang sa kusa na nito itong tanggapin. Ganoon si Allie rito dati noong bago pa lang si Isiah sa hospital. Allie really want to be friends with Isiah na hindi talaga sumuko si Allie rito hanggang isang taon. Until Isiah gradually accepted Allie on his life, 'di gaya ng iba na inaayawan kaagad ito dahil mahirap kuhain ang loob nito. Elijah might be like that too. The more a person is hard to get, the more he became persistent. Umabot din siya ng halos dalawang taon para makuha ang fiancé niyang si Arah. Ganiyan rin naman si Elijah sa mga taong gusto niyang kaibiganin. Katuwaan talaga ang ganoong challenge sa pinsan ni Rimuel. Kaso bukod sa ugali na iyon ng pinsan, mas iniisip nito si Isiah. Isiah just saw a persistent friend on Allie, but Elijah might be different. Kaya sinabi nito sa pinsan na baka mag-backfire iyon sa kaniya. As much as he want to say Isiah's bisexuality, ayaw naman ni Rimuel na ipagkalat iyon kahit sa pinsan nito. Unlike na si Isiah mismo ang nag-open-up noon sa kanilang lahat dati. Oh cousin, you don't know where you're bringing yourself into.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD