KABANATA 32 NAKARATING SILA ISIAH sa AGH kung saan pala dinala si Arah. Iniwan nila si Captain Jr. sa sasakiyan dahil bawal ito sa loob. Si Allie kaagad ang mabilis na sumunod kay Isiah papasok, habang si Rimuel ay tahimik lamang na nakabuntot sa kanilang dalawa. Lakad takbo ang ginawa ni Allie makasunod lang sa noo'y seryoso niyang kaibigan. Lumapit ito sa naka-duty na nurse nila sa front desk. "Oh, Doc! Napadaan kayo?" masaya itong bumati kay Isiah, pero nang matanawan sila ni Rimuel ay nangunot ang noo nito. "Nasaan ang hospital room ni Miss Arah Suazon?" narinig ni Allie na tanong ng kaibigan. "Ah, si Miss Arah po ba? Nasa isa sa mga VIP room natin sila, Doc. Room 101 po." Pagkarinig noon ay wala nang sinayang pang panahon si Isiah. Tumalima kaagad ito kung kaya muli ay bumuntot

