KABANATA 33 "E-Elijah?" Napaatras ng isang hakbang si Isiah nang matanawan si Elijah sa kaniyang harapan. Bumaba kaagad ang paningin nito sa hawak niyang maleta at sa ayos niya sa kabuoan. "S-saan ka pupunta?" Elijah's voice sounded so distant. May kakaibang nginig doon na tila ba takot ito sa kung ano. Isiah stared directly at him. Nakita niya ang kaba at takot sa mga mata nito, habang siya ay nasisiguro na nakikita nito ang sakit sa kaniyang mga mata. Hindi akalain ni Isiah na pupunta pa ito sa unit kung nasaan siya. "Bakit ka pa pumunta rito?" Pilit niyang tinatagan ang kaniyang boses. "Kailangan ka ni Arah, Elijah." Umiling ito nang umiling, ayaw tanggapin ang huli niyang sinabi. Sinubukan nitong abutin ang isa niyang kamay at hinawakan iyon ng mahigpit. Captain Jr. wagged his ta

