KABANATA 34 Nangihina na tinignan ni Isiah ang mukha ni Arah. Her eyes are telling him she's sorry for him. Hindi ito ang nais niya na muli nilang paghaharap. Ayaw niya na kaawaan siya nito. Ang gusto lamang niya ay nakangiti ito at pinapatawad na siya habang humihingi siya ng pasensiya sa mga nangyari sa nakaraan. "What happened to you all this time, Isiah?" halos pabulong nitong turan sa harapan niya. Binigyan niya ito ng tipid na ngiti. Bumaba ang paningin niya sa bata na hawak nito. Ang isa sa napakagandang biyaya sa mundo na hinding-hindi niya maibibigay sa taong mahal niya. Isiah knew na posible na ito kila Arah at Elijah noon pa man, o baka nga nang ma-ospital ito noon ay buntis na ito. Isiah's happy to know that. Masaya siyang makita na may buong pamilya na sila ngayon, dahil iy

