"May gusto pa akong aminin sa'yo." Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Dave sa sinabi ko. Bahagya itong dumistansiya sa akin at tumingin sa akin. "Ayaw kong may itinatago sa'yo, gusto kong lahat ng tungkol sa akin alam mo." "Okay, tell me what is that?" "Hindi kami totoong pamilya ni Papa." Nakita ko ang kalituhan sa mukha nito kaya't sinabi ko kung ano ang nalaman ko kay Mama. Matapos kong sabihin iyon dito ay tahimik pa rin habang nakatingin sa akin. "Iyong akala ko iniwan niya kami para sa iba hindi pala totoo, kasi hindi naman pala kami iyong tunay na pamilya," malungkot na sabi ko. "Masakit lang kasi buong buhay ko akala ko kami iyong original pero hindi pala. Iyong kahit ang tagal-tagal na umaasa pa rin ako na mabubuo kami kaso imposible na pala talaga. Nasasaktan ako para sa M

