ARRIANE'S POV "Anak.." Mabilis akong napalingon sa aking likuran nang marinig ko ang boses ni Mama. Agad akong tumayo at itinulak ang wheelchair na kinauupuan nito. Itinabi ko iyon sa malapit sa akin at pagkatapos ay umupo na ako. "May problema ba ang dalaga ko?" "Wala naman po, Mama," sabi ko wala kasi akong balak sabihin ang nangyari dahil ayaw kong mag-isip pa siya. "Kilala kita, Ara, maloloko mo ang iba pero hindi ako. Kanina ang saya-saya mo nang ihatid ni Dave, tapos pagbalik n'yo ni Alfred malungkot ka. Saan kayo pumuntang magkapatid?" "Mama." Hinawakan nito ang kamay ko at pinisil iyon. "Makikinig ako, Ara. Kung anu man ang bumabagabag sa'yo sabihin mo sa akin, baka kaya kong sagutin." Tumingin ako kay Mama, nakita kong titig na titig ito sa akin na para bang binabas

