ARRIANE'S POV "Ate, huwag kayong mag-aaway ni Papa, ha?" Rinig kong sabi ni Alfred habang nakasakay kami sa taxi. Pupunta kami ngayon sa lugar kung saan magkikita si Alfred at ang Tatay ko. Wala itong alam na hindi lang si Alfred ang darating dahil kasama ako. Gusto ko siyang makahanap, makausap. Matagal ko itong hinintay, pero hindi ko alam na sa ganitong paraan kami magkikita. Alam kong naghahati ang nararamdaman ko. Masaya dahil pagkatapos ng dalawang dekada makikita ko na siya, pero malungkot dahil naiinis ako sa pagbabalik niya. Hindi ko matatanggap na kunin niya ang mga kapatid ko. Hindi ako papayag na muli niyang saktan si Mama kapag kinuha niya ang mga kapatid ko. Tama na iyong sakit na ibinigay niya kay Mama nang iwan niya kami noon, at iyong nag-asawa siya ng iba. "Ate?"

