ARRIANE'S POV MATULING lumipas ang mga araw at mga buwan at dumating na nga ang pinakahihintay ko ang graduation ng mga kapatid ko. Ako na yata ang pinakamasaya sa araw na iyon dahil sa wakas ay makikita kong magmartsa ang mga kapatid ko. Sa wakas ay ga-graduate na sila. Gusto ko sanang ibahagi ang kasiyahang nararamdaman ko ngayon sa nobyo ko pero wala ito ngayon. Dalawang linggo na itong nasa Dubai para sa biding ng isa sa pinakamalaking project nito. At alam kong ito na ang katuparan ng mga pangarap ni Dave, ang makapagtayo ng isang malaki at tanyag na building sa buong Pilipinas at maging sa ibang bansa. Miss na miss ko na siya, pero wala akong magawa kun'di ang hintayin ang pagbabalik nito. Kung kailan ay wala pa akong alam dahil hindi pa nito napapanalo ang biding. Nang marini

