ARRIANE'S POV Matapos ang graduation ni kambal ay umuwi na kami. Sa bahay na kasi kami magsi-celebrate para makasalo namin ang mga kapitbahay namin. Sa pangunguna ni Ash, Ell at Niks ay maraming handa ang kambal. Nagpresinta kasi ang mga kaibigan ko na sila na ang bahala. Na pumayag naman ako agad. Aarte pa ba ako eh sila na ang nagkusa. Nang dumating kami sa bahay ay marami ng bisita. Nagulat pa ako nang madatnan ko ang pamilya Montana. Inimbitahan ko sila, pero hindi ako umasa na darating sila. "Congratulations, kambal!" masayang bati ni Niks sa mga kapatid ko. . "Congrats! You did a great job, twins!" si Ell. "Congratulations, mga bebe ko! Puwede na kayong magkajowa!" sabi naman ni Ash at parehong niyakap ang mga kapatid ko. Isa-isang niyakap ng mga kapatid ko ang mga kaibi

