ARRIANE'S POV "Sayang lang honey kasi wala ka noong graduation ni kambal. Sobrang nakaka-proud sila, halos lahat umiyak kasi sobrang nakakaiyak iyong sinabi ni Alfred at Albert. Masayang-masaya ako kasi tapos na sila at isa pa matutupad ko na iyong promise ko sa--" Hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil napansin kong parang tulala ito. Mukhang hindi naman ito nakikinig sa akin dahil mukhang malalim ang iniisip nito. Isang buntong-hininga muna ang pinakawalan ko bago humarap dito. Magkatabi kasi kami sa sofa ng apartment ko. "Honey?" untag ko rito. Tulala pa rin ito. "Honey?" muling untag ko rito ngunit tila malayo pa rin ang tanaw nito. Ilang sandali ko itong pinagmasdan bago ako nagdesisyon na tapikin ang braso nito para kunin ang atensyon nito. Nakita kong ilang ulit nitong

