ARRIANE'S POV DALAWANG linggo pa ang lumipas, hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi ko na kaya ang ganitong set up, iyong kasama ko siya pero parang hindi naman. Iyong abot-kamay ko siya pero pakiramdam ko ang layo-layo niya. Naroon pa rin naman ang lambing at pag-aalaga ni Dave para sa akin, pero hindi ako manhid para hindi maramdaman na parang may nag-iba, may nagbago. Hindi lang parang dahil mayro'n talaga. Naging tahimik ito at palaging malayo ang tanaw, malalim ang iniisip. At hindi ako manhid para hindi maramdaman na parang nanlamig ito sa akin. Gusto kong isipin na baka paranoid lang ako o ano, pero hindi eh. Hindi ko na kaya, mababaliw na ako sa kakaisip kung bakit bigla kaming naging ganito. Hinayaan ko na siya para kusang magsabi, pero mukhang wala itong balak gawin iyon

