DAVE ARISTON POV MATAPOS kong makipag-usap kay Drake ay bumalik ako rito sa apartment ni Arriane. Ngunit nasa labas pa lang ako ng gate ng compound pero kakaiba na iyong pakiramdam ko, kinakabahan ako na hindi ko mawari. Mabilis akong bumaba sa kotse ko, bahagya pang gumewang ang tayo ko dahil naparami ang inom ko habang nag-uusap kami ng kapatid ko. Pinilit kong lumakad ng diretso. Nang makarating ako sa pinto ng apartment ni Arriane ay hindi na ako nag-abalang kumatok. Ginamit ko ang duplicate key ko para makapasok. Nang buksan ko ang pinto ay isang nakabibinging katahimikan ang sumalubong sa akin. Bakit ang dilim? Brown out ba? Piping usal ko sa isip ko. Bumaling ako sa labas at nakita kong may mga ilaw sa poste at mga kapitbahay. "Arriane? Honey?" tawag ko. Nanginginig an

