DAVE ARISTON POV "Anong kalokohan itong ginawa mo, Dave?! Nababaliw ka na ba, ha?!" dumadagundong na sigaw ni Drake sa akin. Matapos kong umalis sa apartment ni Arriane kanina ay si Drake ang unang naisip kong puntahan. At dito ko nga ito natagpuan sa isa sa branch ng restaurant nito. "Hindi ko sinasadya, Drake! Lasing ako noong mangyari iyon," sagot ko. "Tanga ka! Sobrang tanga mo!" galit na sabi nito. "Alam ko. Alam ko, Drake. Please, tulungan mo ako. Hindi ko kayang mawala si Arriane sa buhay ko. Mahal na mahal ko siya, Drake. At wala akong balak pakasalan si Jeera. Hindi ko siya mahal, hindi ko siya mahal." Tila ako nauupos na kandila sa mga oras na iyon. Ang isipin na mawawala sa buhay ko si Arriane ay hindi ko kayang tanggapin. Malalaki ang hakbang na lumapit ito sa aki

