TWO MONTHS LATER DAVE ARISTON POV "Dave, kumain ka na, please?" anang boses sa likuran ko. Hindi ko na kailangang tingnan kung sino ang nagmamay-ari niyon dahil boses pa lang nito ay kilalang-kilala ko na agad. Kinamumuhian ko ang taong ito. Sagad hanggang buto. "Dave, kumain ka na please?" "Get out!" malakas na sabi ko. Pero hindi ito sumunod bagkus ay lumapit pa ito sa akin at inumang ang platong may pagkain. "Kumain ka na, please? Ang payat-payat mo na, Dave..." garalgal na anas nito. Nanlilisik ang matang tiningnan ko ito. "Get out, now!" dumagundong ang boses ko sa buong kabahayan dahil sa malakas na sigaw ko. Nang akmang isusubo nito ang laman ng kutsara ay malakas kong tinabig iyon para lang magtapunan sa sahig. "D-Dave, please, kumain ka." "Get out!" "I'm sorry

