Ang sakit, sobrang sakit na hindi kami ang pinili nito. Walang patid ang aking mga luha habang nakatingin dito. Pero kahit anong pagpapakababa ang gawin ko mukhang hindi na magbabago ang pasya nito. Isang mahinang hikbi ang kumawala sa mga labi ko bago muling nagsalita. "Kung sila talaga ang pipiliin mo, sige, magpapaubaya ako. Kung sa tingin mo sa kaniya ka magiging masaya, isusuko na kita. Basta palagi mong tatandaan na mahal na mahal kita. Huwag kang mag-alala, gagawin ko ang lahat para hindi maramdaman ng anak natin na wala siyang ama. Hindi ko siya tatalikuran, kagaya ng ginawa mo sa amin ngayon," hikbing sabi ko. Marahan kong pinunasan ang mga luha ko at saka inilagay sa kamay nito ang ultrasound ng baby ko. "Arriane." "Kunin mo, ultrasound ng baby natin iyan. Para hindi mo

