ARRIANE'S POV Nang makababa ako ng taxi ay mabilis akong tumakbo papasok sa hospital kung nasaan si Mama. Matapos kong makabawi kanina ay tinawagan ko si Audrey para tanungin kung nasaan sila. Nanginginig ang mga tuhod ko, pero nagawa ko pa ring tumakbo. Lakad-takbo ang ginawa ko. Hanggang sa makarating ako sa kuwarto na sinabi ni Audrey. Basta na lamang akong pumasok sa loob pero isang Nurse na lamang ang nadatnan ko. "Nasaan ang pasyente dito?" tanong ko sa Nurse. Malungkot itong tumingin sa akin bago sumagot. "Nasa Morgue na po, Ma'am. I'm sorry po pero hindi na kinaya ng katawan ng Mama n'yo." Titig na titig lang ako dito. Parang ayaw magproseso sa utak ko ang sinabi nito. So, wala na talaga si Mama? Wala na ang taong kailangan ko? Wala na akong makakapitan ngayon? Wala na akong

