Napasuklay ng buhok si Jansen habang na liligo kakatapos lang n'yang maka-usap ang ina, temporary lang daw naman si Jordan na secretary ni Rex habang wala pang nakukuhang secretary para kay Rex. Ngunit iginiit n'ya sa magulang na ayaw n'ya kay Jordan na nasa site. Pero sinagot lang s'ya ng ina na tama lang na naroon si Jordan para makita daw n'ya kung sino ang binabalak n'yang pakawalan. Kung nagawa daw n'yang mag pakasal ng walang blessing sa mga ito wag daw s'yang umasa na makakakuha s'ya ng annulment na wala pa rin blessing. At kung ipipilit pa rin n'ya ang annulment isang bagay ang mawawala sa kanya ang mana n'ya bilang Lagdameo at Montenegro lahat daw iyon ay titiyakin ng mga ito na mapupunta kay Jordan. Wala kaso sa kanya kung mapunta kay Jordan ang mana n'ya dahil he can live on hi

