"Sigurado ka na ba sa desisyon mo na ito Jordan?" tanong ni Daniella. "Tingin ko mas makaka buti na hayaan na lang muna natin si Jansen," wika naman ni Gabriel. "Oh! Diba nga hinayaan na natin, nag pakasal s'ya ng wala tayong kaalam-alam tapos ngayon nag file s'ya ng annulment ng wala pa rin tayong alam." napabuga ng hangin si Daniella. "It's been 8 months kaya mo na ba talaga ulit mag trabaho Jordan." tanong pa ni Gabriel na halatang nag-aalala lang ito. "Kung hindi pa po ako kikilos mawawala po ng tuluyan sa akin si Jansen, nawala na po sa amin ang anak ko kaya hindi ko hahayaan na mawala sa akin si Jansen." wika ni Jordan. "He doesn't hate you Jordan pero nag iwan ng malalim na sugat sa puso n'ya ang nangyari. Sinisisi n'ya ang sarili n'ya kung bakit nawala ang mga anak n'yo. Ni

