Nagulat si Jordan ng isang bisita ang hindi inaasahan na darating sa condo ni Jansen. Nasa Manila sila ngayon at bukas sila babalik ng Batangas. Nag pacheck-up lang s'ya kaya lumuwas s'ya kasama ang asawa. "So, your pregnant." wika ni Dorothe na pumasok na sa loob ng unit kahit hindi pa n'ya ito iniimbita. "Hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa." napalingon naman si Jordan sa pinto ng pumasok ang Kuya Ziggy n'ya na pilit na hinihila ang ina. "Sumama ka na sa amin pa uwi." "Po?" napatingin naman si Jordan sa cellphone na nakapatong sa mesa na agad na kinuha ng makita si Jansen ang natawag. "Hello." 'Hi! Okay ka lang bang mag-isa d'yan o gusto mong umuwi ako." "Alam mo bang anak ka ng asawa ko sa malandi mong ina na si Ursula." wika ni Dorothe na ikinakunot ng noo ni Jordan. "Sino nan

