"Ingatan mo ako kasi mahirap maka hanap ng seryosong sira ulo." tanawa naman si Jordan sa joke ni Jansen, habang nakahiga si Jansen sa hita ng asawa habang naka higa sila sa roof deck ng eroplano. Mula pa kanina hanggang sa gumabi na wala itong ginawa kundi himasin ang tiyan n'ya at halikan. Tinitigasan na ito pero hindi naman ito nag i-insist na mag siping sila dahil mahigpit iyon pinag bawal ng doctor. At ayon naman kay Jansen makakatiis daw naman ito hanggang sa makalabas na ang baby nila. "Saan sila pupunta?" tanong ni Jordan ng makita sila Kinsley at isang babae kasama ang dalawang kakambal pa ni Jansen. Bumangon naman si Jansen at sinilip ang tinatanaw n'ya. "Probably sa Arcade." 'Arcade?" "Oo, yung palaruan ng mga matanda." "Punta tayo dun," "Ahhh No! It's already past 9pm n

