“Gusto kong dalawin si Averie,” sabi ko kay Hati nang kami na lang dalawa ang maiwan sa hapag kainan dahil nagmamadaling umalis si Yago. Tumingin siya sa akin. Halata ang pagkabigla at kaba sa kanyang mukha. Ngumiti ako sa kanya para mawala iyong ekspresyon ng mukha niya. Wala namang dapat ipangamba. “Gusto ko lang siyang makausap. Simula nang malaman ko ang ginawa niya at makauwi ako rito, hindi ko pa nakakausap nang maayos si Averie. I want to know her reasons, kahit alam ko na wala na naman iyong magagawa sa ngayon.” Hinawakan ko ang kamay niya. “I’ll be fine. Makikipag-usap lang ako.” Bumuntong hininga si Hati sa kagustuhan ko pero pumayag din naman. “Fine, pupunta tayo roon bukas bago tayo pumunta sa doktor mo para sa check-up.” Iyon nga ang nangyari kinabukasan. Naghihintay ako n

