CHAPTER 79: ANNOUNCEMENT

2671 Words

Nag-iisip ako kung paano susurpresahin si Hati. Sabihin ko na ba ngayon o huwag muna? Siguro palipasin ko muna ang araw na ito. Sinundo kami ni Hati sa bahay nina Gio. Nagpaalam kami at sumakay na ng kotse niya.  Nakatingin lang ako sa kanya habang nag-iisip. Ni hindi ko na nga namamalayan na nakangiti na ako habang pinagmamasdan ang mukha niya. “What?” Sandali siyang tumingin sa akin, tila natatawa. “Why are you staring at me, hmm? It’s suspicious. May binabalak ka, ano?” Tinawanan ko ang sinabi niya at marahang hinampas ang braso ko. May binabalak nga ako. Ang surpresahin siya about sa pagbubuntis ko. “Wala, na-miss lang kita.” Totoo rin naman ang sinabi ko. Napansin ko ang paglawak ng kanyang ngiti. Nag-iwas na ako ng tingin. Baka mamaya ay masabi ko bigla sa kanya na buntis ako.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD