“You’re here, at last. It took you almost forever. Akala ko ay hindi ka na darating. Traffic ba?” Ako man ang kausap ni Dad ay kita ko ang malamig niyang paninitig kay Adira. “Hindi naman, Dad. We just need to took some stops along the way.” Parating nagpapabili ng pagkain si Yago. Tumango siya at doon lamang niya nagawang tumingin sa akin. Matapang kong nilabanan ang kanyang paninitig. Bumuntong-hininga siya at bahagyang lumambot ang kanina lamang ay matigas niyang ekspresyon. “Sigurado ka na ba sa mga desisyon mo sa buhay, Hati? Kapag ba ito ang pinili mo ay wala kang pagsisisihan? Life is full of regrets, at sana lang hindi ito kasama sa mga pagsisisihan mo.” Alam ko kung anong pinupunto niya. Si Adira. Ang pagpili ko kay Adira. Tumango ako. There are no words needed; no expla

