“Kinakabahan ako.” Nakahanda na ang lahat sa kasal at nagsisimula nang maglakad ang mga abay nang sabihin iyon ni Hati sa mga pinsan na kasama niya habang hinihintay ang pagdating ni Adira. Beach wedding ang kanilang napagkasunduan kaya’t nasa isang pribadong isla sila upang isagawa iyon. “Bakit ka naman kinakabahan? Parang tanga ito, sa kasal ka pa kakabahan?” natatawang sambit ni Avion. “Hindi ko alam, kinakabahan talaga ako.” Napangiti lamang si Hati nang makita niya si Yago na naglalakad sa aisle na siyang ring bearer nila sa kasal. “Huwag kang kabahan, Hati. Hindi ka naman magsasayaw sa gitna. Mamaya ay maihi ka pa riyan, iwanan ka ni Adira.” Mahinang tumawa si Gio. Gusto mang sipain ni Hati ang mga pinsan niyang walang ibang ginawa kung hindi ang asarin siya ay hindi niya gin

