Yago Alcides. Iyon ang ipinangalan ko sa aking anak na lalaki. Yago means may God protect and Alcides means strength. Hindi ko alam kung paano ko naisip ang pangalang iyon pero nang una ko kasi siyang makita ay alam kong lalaki siyang matatag at hindi magpapatalo kahit kanino lalo na’t kung nasa tama siya. I want my son to be brave, strong, and to have the strength to fight for the people he loves and not choose to abandon them. “Mommy, you don’t have work?” tanong sa akin ng anak kong kakagising lamang. Maaga akong nagising kahit na wala akong trabaho ngayon. Iniisip ko pa rin kung sakaling magharap ulit kami ni Hati, paano ko ba siya pakikisamahan? Nawawala ako sa sarili kapag naririyan siya. “Wala. That’s why ako ang gagawa ng breakfast mo,” masayang sambit ko sa aking anak. Napat

