Hindi ako nakalakad papunta sa bakanteng silya sa tapat nina Avion dahil sa gulat ko. Narinig ko naman ang sinabi ni Piper pero…abot-abot ang kabang nararamdaman ko. Inalalayan ako nina Sage para lang makalakad. Nakatulala pa rin ako sa dalawang pinsan ni Hati ngayon na hindi ko alam kung hanggang saan ang nalalaman. “It’s been a while, Adira. Last time na nakita kita last year pa.” Makahulugang ngumiti sa akin si Avion. Lalong kumabog ang dibdib ko sa sinabi niya. L-Last year? “Nagpatulong sa akin si Avion dahil nagtataka na raw siya sa ikinikilos ng asawa niya kaya palihim naming sinundan si Piper. Pumunta ka ng Paris, hindi ba? Pumunta rin si Piper doon para kitain ka pero hindi iyon natuloy dahil nahuli namin si Piper. We wanted to approach you pero nagmakaawa si Piper na huwag kami

