CHAPTER 71: BLAME

2220 Words

Pinagmamasdan ko lang si Hati habang nakatingin din siya sa akin. Magkahalong galit at pag-aalala ang nakapaloob sa mga mata niya. Napalagok ako sa aking laway. Hindi ako handa sa ganitong komprontasyon. Lumapit siya sa amin at sa harapan ko siya tumigil. Nakatayo na ako ngayon kaya’t ramdam na ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko habang nilalabanan ang paninitig niya. “Sinong nagpaiyak sa ‘yo?” Kalmado naman ang boses niya, pero hindi mo maipagkakaila rito ang galit. Na pakiramdam ko kung magbabanggit ako ng pangalan ay susugudin niya. “Hati, magpapaliwanag kami—” Nilingon sila ni Hati. “Hindi kayo ang kausap ko.”  Tumikhim ang dalawang pinsan niya bago itikom ang bibig. Si Hati naman ay muling ibinalik ang paninitig sa akin.  “W-Walang nagpaiyak sa akin.” Huminga ako nang malalim.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD