Naupo muli si Hati sa sofa at niluwagan ang kwelyo niya. Tinanggal niya ang dalawang butones ng dress shirt na suot niya. Ang isang kamay ay nakapahinga sa backrest at ang kanyang hita ay bahagyang nakabukaka. Napasinghap ako because of the majestic view of Hati Benavidez while sitting cozily on the sofa. I looked away for my own sanity. Mababaliw ako kapag tinitigan ko pa siya nang matagal lalo na’t kami na lamang dalawa ang naririto. “Anything else to say? Marami ka pang dapat ipaliwanag sa akin.” The sarcasm in his voice is dripping like acid in my body. Para akong tutunawin sa hindi malamang dahilan ng mga salita niya. “Ano pa bang gusto mong malaman? Nasabi ko na sa ‘yo ang lahat.” Lakas loob akong tumingin sa kanya ngunit kaagad kong pinagsisihan iyon nang mapansin na nilalaro niy

