Nasa tapat na kami ng unit ko ngayon. Binuksan ko iyon at kaagad akong sinalubong ng umiiyak na si Yago. Niyakap niya ako at ramdam ko ang panginginig ng katawan niya. I squatted so I can hug him tight. Tumingin ako kay Yaya Marie na nasa likod naman ni Yago upang magtanong kung anong nangyari. “Tulog pa kasi si Yago nang makauwi kami kaya ipinasok ko siya sa kwarto niya. Nang magising siya, umiiyak na siya at hinahanap kayo kaya agad ko po kayong tinawagan. Ayaw niya namang sabihin sa akin kung anong nangyari sa kanya.” Bakas kay Marie ang pag-aalala. Binalingan kong muli si Yago at lumayo sa kanya upang itanong kung bakit siya umiiyak pero bago pa man ang lahat ay naunahan niya na ako. “Mommy, I saw Slender Man in my dream! I was scared. I thought he’s going to take me away from you.

