Magkatabi kami ni Hati sa meeting. Ewan ko ba rito, ayaw humiwalay sa akin. Kung saan ako pumunta ay naroroon din siya. “Hindi pupunta si Ms. Alterio?” tanong ni Sage nang kumpleto na ang lahat at si Averie na lang ang kulang. “She won’t come, unless you want a prisoner to join us, I don’t mind.” Namilog ang labi ni Sage sa sinabi ni Hati at tumingin sa akin. Ako ay nagtataka namang tumingin kay Hati. Ibig sabihin ipinakulong niya na agad si Averie? Kakasabi ko pa lang nito kahapon, ah? Naging maayos ang takbo ng presentasyon ni Sage. Halata mang kabado siya ay naisagawa niya naman ito. I congratulated him after. “Kinakabahan ako. Kanina pa nanliliit ang mga mata ni Giovanni Benavidez,” bulong niya sa akin bago humiwalay sa pagkakayakap. Ngumiti ako at tinapik ang braso niya. “You di

