Napansin ko na may lumapit kay Hati na grupo ng mga babae. Nakisali sila sa usapan kaya’t napaismid ako. Inubos ko ang iniinom ko at inilagay sa tray ng isang waiter na dumaan sa harapan ko. Nagpasiya na lamang akong umalis doon upang magpunta ng restroom. Ayoko namang lumapit pa kay Hati dahil mukhang abalang-abala itong makipag-usap. Inaayos ko ang sarili ko sa salamin. Na-insecure ako bigla sa mga babaeng maaaring makita ni Hati. Paano kung maisipan niya na may mas magaganda pala sa tabi-tabi tapos lahat ng pinaplano niya ay itigil niya? Bahagyang namutla ang labi ko dahil siguro sa pag-inom ko ng champagne kanina. Kinuha ko sa bag na dala ko ang isang lipstick. Maglalagay na sana ako nito nang magulat ako na may makitang tao sa likod ko mula sa salamin. “Hati!” Halos mahambalos ko

