4 Opposite Attracts

1270 Words
Habol ang hininga ni Justine habang nagpapahinga sa kalagitnaan ng tinatahak nilang trail, napansin naman ni Gareth na hindi na niya kasunod ito kaya't sandali din itong huminto. "Ano kaya pa?" tanong ni Gareth sa pinsan. "Of course, I just need to catch mg breath for a sec," tugon naman ni Justine na pinilit ngumiti kahit mulang nangingiwit na ito sa paghingal. "Parekoy, lampa naman palq yang bata mo!" kantyaw naman ni Xianthel. "Masyadong mainit! and I'm not used to outdoor activities like this," agad namang tanggol sa sarili ni Justine. "Ayan tayo eh, ayaw pang aminin hingal kabayo na nga!" kantyaw pa ni Xianthel. "Because you're used to indoors bro...inside bedrooms to be exact!" kantyaw din naman ni Gareth. "Akala ko ba lagalag 'yan?" kunot noong tanong naman ni Xianthel na hindi makqpqniwala. "Motel rooms!" sagot ni Gareth sabay tawa ng malakas. "Of course not!" tanggi naman ni Justine, "Baka maniwala si Xianthel bro," dagdag pa nito. "Sus! kailangan pa bang explain yan?" naiiling na nangingiting wika ni Xianthel saka ito nagpatuloy sa paglalakad, agad namang sumunod na din ang magpinsan. Manghang mangha si Justine ng marating nila ang tuktok ng Sagada, nangingiti ito habang tinatanaw ang paligid, bahagya pa itong napipikit sa tuwing dumadampi ang sariwa at malamig na hangin. "This is amazing!" ani pa ni Justine. "Worth it ang oagod diba?" nakqngiting wika ni Xianthel na sa paligid din nakatuon ang paningin. "Yeah! its beautiful!" ani Justine na ng lingunin ni Xianthel ay titig na titig sa mukha niya. "Say cheese guys!" sigaw ni Gareth sabay click ng hawak na camera ng panabay silang napalingon dito. "Can I see it?" ani Justine ng makalapit si Gareth at inabot ang camerang hawak nito. "Perfect!" ani Justine ng makita ang picture nila ni Xianthel.Kumunot naman ang noo ni Xianthel at humakbang palayo sa dalawang binata.Itinuon na lamang nito ang atensyon sa pagkuha ng litrato sa magandang tanawin. " Barak! tara kain muna tayo!" aya ni Gareth. "Mauna na kayo parekoy,tapusin ko lang to," ani Xianthel na nakaupo sa labas ng tent at may sinusulat.Alam ni Gareth na kapag nagsusulat ito ay hindi talaga niya maaawat kaya't hindi na niya ito pinilit. " Doing homework here?" nagtatakang tanong ni Justine kay Gareth na tinutukoy ay si Xianthel. "Nope, malamang tula 'yan or short story,huwag mong istorbuhin kung mahal mo buhay mo," nangingiting tugon ni Gareth sabay abot ng pagkain sa pinsan. "I see, she's so talented, lahat na lang kaya nyang gawin," humahangang wika ni Justine habang sa dalaga nakatuon ang paningin. "She can't cook," ani Gareth. "Really? kaya pala ikaw ang nagluto ng food naten," ani Justine. "Lahat talaga kaya nyang gawin, except magpakababae,tingnan mo nga barako pa satin," wika pa nito. "That's why she's so challenging,and attractive," ani Justine. "Woah! seryoso ka? yung totoo? type mo ba talaga si Barak?" kunot noong tanong ni Gareth. "She's so different, I mean different in a good way,I don't know 2hy but I really want to know her more," pahayag ni Justine. "I'm warning you bro,kahit sakit ng ulo ko yan,I won't allow anyone to hurt her,kahit pinsan pa kita ako makakalaban mo," seryoso namang wika ni Gareth. "Relax bro, I find her interesting, I'm not sure yet if I like her," seryoso din namang tugon nito. "Yet, but what if you fall for her?" tanong muli ni Gareth. "We'll find out, but I promise hindi ko sya paglalaruan," sinsero namang tugon ni Justine, palagay kasi niya at masyado pang maaga para masabi niyang gusto nga niya si Xianthel, baka nga nachachallenge lang siya. "Tapos na ba kayong pag usapan ako?" kunot noong sabi ni Xianthel,hindi napansin ng magpinsan na nakalapit na pala ito sa kanila, mastado kasing naging seryoso ang usapan nila. "Sus! feeling mo naman Bafak, kumain kana nga!" ani Gareth sabay abot ng pagkain sa dalaga. "Gago! huwag nyo akong pagtripang magpinsan baka dina kayo makababa dito ng me leeg!" inis na tugon ni Xianthel,hindi nito inabot ang pagkain sa kamay ni Gareth bagkos ay dumampot ito ng beer. "You see Justine, may criminal instinct din yan mulq ng pinanganak+" ani Gareth kay Justine. "Mukang hindi tayo pwedeng matulog magdamag,baka hindi na tayo magising," nakangiti namang tugon ni Justine na sinajyan ang biro ni Gareth. "Buti alam mo!" ani Xianthel at humqkbang ulit ito palayo sa magpinsan. "Hindi ka pa kumakain hoy! alak kaagad," ani Gareth sa dalaga. "Wala kang pake, ang pangit mong parekoy!" pasigaw na tugon ni Xianthel. "Kapag sinikmura ka iiwan kita dito sa taas ng bundok!" ganting sigaw ni Gareth. "Kung makakababa ka pa ng buhay dito pag dimo pa ako tinigilan!" sigaw ulit ni Xianthel. "Frabe talaga kayo, para kayong laging magpapatayan," natatawang wika ni Justine. "Ako nga lang ang nakakapagtiis sa barakong yan," tugon ni Gareth. "Naaawa nga lang ako sa pinsan mong yan kaya buhay pa gang ngayon yan," sabat naman ni Xianthel na sumalampak na din sa tabi ng magpinsan,nakaramdam na kasi ito ng lqmig kaya lumapit sa bonfire na ginawa ng mga ito. "Anong sinulat mo Barak? tingin nga!" ani Gareth sabay hablot ng hawak na papel ni Xianthel. "Pakialamero naman nito!" ani Xianthel na pilit kinukuha pabalik ang papel. "Babasahin ko lang,damot nito!" ani Gareth. "Pagtatawanan mo lang 'yan,you never appreciate my writings," ani naman ni Xianthel na nakasimangot. "Ang corny kase,saka hindi naman bagay sa'yo mga sinusulat mo," tugon ni Gareth habang binabasa ang sinulat ni Xianthel, nakibasa din naman si Justine na katabi nito. "Sa pagitan ng ulap at tuktok ng bundok, Matatagpuan pusong nakqlugmok Biktima ng damdaming marupok Tatag ay naglahong parang usok" "Sus,kadramahan," ani Gareth matapos basahin ng malakas ang nakasulat sa hawak na papel. "That sounds good,though it's hard to understand," ani naman ni Justine. "You listen first,itatranslate ko sayo later bro,let me finish reading this," wika naman ni Gareth na nakangiti pa rin na parang nakakaloko,sinasadyang inisin si Xianthel. "Kung damdamin man ay tuluyang maglalaho, Hayaang tangayin ng hangin pait at pagkabigo At sa pagsikat ng araw liwanag ay dadapo Upang hilumin ang sugat at dina maramdaman ang sakit sa muling pagtatagpo" "Ang bitter naman parekoy, daig mo pa nabusted eh dika pa naman nagkakasyita!" muling kantyaw ni Gareth. Ngiting aso lang naman ang iginanti dito ni Xianthel,kahit kailan naman ay wala talaga itong ginawa kundi laitin ang mga sinusulat niya,wala kasi talagang hilig sa poetry at literature si Gareth. "Gets ko na, ang galing mo Xianthel," baling naman ni Justine dito. "Edi salamat, pero dimo kailangan magpanggap na nagustuhan mo,dimo naman naintindihan," sarkastikong tugon ni Xianthel saka muling tinungga ang laman ng hawak na beer. "Matulog na nga tayo,bababa na tayo bukas ng umaga," ani Xianthel. "What? I thought we will stay here this weekend," gulat namang tanong ni aJustine. "Hindi mo naman pala naorient tong pinsan mo parekoy, gusto ko lang makita ang sinset at sunrise!" nakakalokong pahayag ni Cianthel at tumayo na ito para pumasok sa tent. "But it's too early, 7pm palang matutulog ka na?" tanong ni Justine. "Ay di wag kang matulog kung ayaw mo!" tugon ni Xianthel,sabay nalang napailing ang magpinsan na sinundan ng tingin ang dalaga. Nahihimbing na si Xianthel ng magising siya sa tunog ng gitara at malalqkas na tawanan, nagtatakang bumangon ang dalaga at bahagyang binujsan ang pinto ng tent para silipin kung sinong nagkakaingay,natatandaan niyang bago siya matulog ay sila palang ang tao sa campsite, may mga dumating na palang ibang campers.Bahagya pang napasimangot ang dalaga ng makitang nakikisaya ang magpinsang Gareth at Justine sa mga ito,nakaupo sila sa paligid ng bonfire. "'Langyang mga 'yon, hindi man lang ako tinawag at nag enjoy na! humanda kayo saken," bulong ni aXianthel sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD