Gariela POV Hindi ko alam kung dapat kong tanggapin ang deal. Hindi ko kasi maintindihan ang logic, nagbayad siya ng milyon-milyong pera para sa akin tapos ngayon ay pakakawalan niya lang ako nang ganoon kadali? It doesn't make sense. May kumatok na naman sa pinto ng kwarto ko. Pagbukas ko ay bumungad sa akin ang isang babae na may dalang tatlong malalaking maleta, at malamang ay damit ang laman ng maletang iyon. “Ano ‘yan?” usisa ko sa mga dala niya. Ngumiti siya sa akin bago sumagot. “Mga damit n’yo raw po, iniutos sa akin ni Sir Dom na dalhin ko raw dito sa kwarto mo.” Sobrang galang niya naman kausap. “Ganoon ba, sige ipasok mo na ‘yan dito,” sabi ko saka ko binuksan ng mas maluwang ang pinto para makapasok siya at ang mga dala niya. Nang maipasok niya na ang mga maleta ay muli s

