Gabriela POV Naunang bumati ang lalaki sa amin. “Kumusta, pinsan?” “Hi, Joseph,” tugon naman ni Dom, pero medyo masungit ang tono ng kanyang boses. Bumaling ang tingin sa akin ng lalaki na tinawag niyang Joseph. “Sino itong magandang babae na kasama mo?” “Dom’s Fiancee,” si Juliana ang sumagot. “It’s a pleasure to meet you,” bati ko naman sa kanya. “It’s a pleasure to meet you, too.” Hinawakan ni Joseph ang kamay ko saka hinalikan. Sumingit muli sa usapan si Juliana, “Let’s all sit down together.” Tapos si Dom ang agad na sumagot sa kanya, “Better not, we’re talking about the ceremony.” “Insan naman, ngayon na nga lang tayo ulit magkakasama, eh,” dismayadong sambit ni Joseph. Ako ang nakaramdam ng hiya sa pinsan ni Dom, kaya naman ako na ang nakiusap sa kanya. “Dom, love, hayaan

