Gabriela POV Pagka-park niya ng kotse ay bumaba na ako na may kaba sa dibdib. Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Laura na nakaupo sa dining area at nagpu-food tasting. Sumunod si Dom sa likod ko na may blangkong tingin. “Son, glad you’ve arrived. Maupo ka rito at subukan ang menu para sa kasal mo.” ani Laura sa kanyang anak na para bang hindi niya ako nakikita. It doesn’t seem like her son had yelled at her a few hours ago. Naupo si Dom gaya ng gusto niya habang ako ay nakatayo pa rin at nakatingin lang kay Laura. Halatang nagkukunyari siyang hindi ako nakikita. “Aren’t you going to invite the bride to try it out?” tanong ni Dom sa bruhilda niyang nanay. Sumingit sa usapan si Sir Mario. “Laura, hindi ba dapat ay aprubado rin ng bride ang pagkain sa kasal niya?” Hindi nakatak

