Clear I hate how my body is reacting. Nakakainis dahil kahit masama ang loob ko ay bumibigay pa rin ito sa munting paglapat lang ng balat namin. Ginamit ko ang natitirang lakas para marahas na tanggalin ang braso niyang nakapulupot sakin. Kahit labag sa loob ay agad kong nilayo ang katawan sa kaniya. Talagang nagpupuyos ang damdamin ko. Dahil tangina, malandi lang ako pero ayokong maging kabit. Produkto man ako ng maling relasyon ay hinding-hindi iyon magiging dahilan para tularan ko ang kasalanan ng mga magulang ko. Iritado ako nang humarap sa kaniya. Mataman siyang nakatitig sa mata ko. "You're not answering my calls..." he stated the obvious. Kusang umirap ang mga mata ko. "Pano mo nalaman na nandito ako?" "Sana man lang sinagot mo ang mga texts ko-" "Busy ako." "Nagagawa mo nga

