ZEIN LIANA MARTINEZ POV.
- Tyron Guadamor
"Okay class, dismiss." Huling kataga bago makaalis si maam solis sa room.
Niligpit ko narin ang gamit ko at inayos ang sarili dahil lunch na, wala parin akong gana hanggang ngayon at balak ko sanang hindi kumain pero yung tiyan ko may balak.
ayaw makisama argh!
Lumabas naman ako agad at di na pinansin ang mga iilang tao sa paligid ko at pinuntahan na sila julia sa labas ng room.
Napag desisyonan naming dito nalang sa cafeteria ng building A3 pumunta dahil ayoko rin naman pumunta pa sa ibang building dahil simula nung nangyari kanina ay nawalan nako ng gana.
he's my first kiss at this age.
Di parin naman mawala sa isip ko ang ginawa ko kanina sa lalaki na yon, ang ginawa namin.
Iniisip ko kung tama ba na gawin ko yon para tigilan nyako o mas lalo ko lang syang binigyan ng dahilan para kulitin ako?.
"Maam anong order mo? kanina pa po ako salita ng salita dito." Wika ng babae sa harap ko na kanina pa pala tanong ng tanong sa order ko.
medyo nahiya naman ako kaya tumingin ako sa board ng menu pero stock parin utak ko at di makapili ng nay sumingit sa harap ko na lalaki.
"Ah yung combo A with ice tea nalang ms for her." banggit ng lalaki sa harap ko na hindi ko naman kilala.
"A-ahh sorry?" Sagot ko nalang at bigla nalang ako hinila at dinala sa upuan ng mga kaibigan ko na maging sila julia, ayesha at patricia ay nakanganga lang samin.
Natulala lang din ako sa ginawa nya sabay abot ng pagkain ko sa tray at pinaupo na ako.
Umalis naman sya agad at sinabing bayad na ang pagkain..
"Wao ah, lagi rin akong tulala pero never ako naka libre ng ganyan." Pang aasar ni pat.
sino yun?
"Kilala mo zein?" Tanong ni ayesha habang umiinom ng tea nya.
"Hindi, nagulat nalang nga ako e."
"Pano naman kasi kanina kapa tulala at di maka usap, lagi ka nalang natutulala HAHAHAH!!" Pang aasar din ni julia kaya nginitan ko nalang sila at nag simulang kumain.
napansin ko namang may maliit na papel sa gilid ng plate ko kaya binasa ko yon.
"Hi, im tyron. Next time wag kanang tulala ah?" Note nito na nabasa rin nila julia kaya nag sitawanan sila na ikinainis ko.
"Wag nga kayo tumawa baliw, promise inaantok lang ako." Pag sisinungaling ko para di na nila ako asarin. Tumahimik narin naman sila at di na nag salita.
Pag akyat namin sa room ay kami nalang pala ang wala kaya dali dali kaming umupo sa pwesto pero biglang nag salita ang babaeng prof sa harap.
"Are you guys enjoying your meal?." Pag susungit nito.
Nag tinginan naman sila julia at ayesha habang si pat ay mukang kinakabahan. Actually kaming apat kinakabahan.
"Wala bang gustong mag salita sainyo?" Ulit nitong tanong na mukang naiinis na dahil di namin sya sinagot.
"Lumandi ba kayo sa cafeteria kaya nalate kayo sa klase ko?" Tugtong nya.
Napansin ko naman na napayuko ang mga kaibigan ko at si pat naman ay mukang di makantingin sa professor.
"Want my help?" Rinig kong bulong ni kaiden sa gilid ko pero hindi ko sya pinansin.
"Yes ms.martinez? Do you have an answer?." Banggit nyapa kahit wala naman akong sinasabi na ako yung sasagot.
do you have a shield to protect yourself from me?
Inis kong tinitigan sya hindi inakmang sumagot.
Pasalamat sya ay hindi ko pwedeng gamitin ang kakayahan ko para manakit ng tao na walang mabigat na dahilan dahil kung hindi, hinimatay kana.
Sisigaw pa sana sya nang biglang may pumasok na lalaki na estudyante at tinawag sya.
"Ma, stop shouting." Saad nito at tumingin sakin.
"Why are you here son? wala kabang klase?" tanong nito sa lalaki.
so anak mo pala yang nanlibre sakin ng lunch kanina...
"Meron, pero rinig ko yung boses mo sa labas."
irita nitong sabi.
Gwapo sya. Matangos ang ilong at mapula ang mga labi. Muka syang playboy pero i think he's kinda kind too. playboy ngalang.
"Nga pala nasa labas si angeline, i think she wants to talk to you." Ika nito kaya lumabas ang prof at bago sya sumunod ay kinindatan nya ako na parang iniligtas nyapa ako.
issue again.
"Zein dimo naman sinabing boyfriend mo pala yung anak ni mrs.guadamore!! HAHAHHA!!" sigaw ng beki na katabi ni pat.
"Your boyfriend saves us from evil zein!" sigaw naman ni eunice na halatang plastikada at kinuha agad ang cellphone.
"Haist boring ba naman kasi yung mga lesson non sabi ni kuya sakin, teacher nya daw yun dati." Rinig kong wika ni sean na katabi ni kaiden.
"Ano ba mga tinuturo non pre?" tanong ni kaiden.
"Parang history daw yon e bagong subjects, pero pwedeng hindi totoo or totoo. E sino ba gaganahan sa mga ganong lesson diba HAHAHAH!!" sagot ni sean.
Napa-ayos naman kami lahat ng pumasok si mrs.guadamor at nag simula na mag lesson.
Salamat nalang dahil dumating ka tyron, kung hindi na sabon na kami kanina.
i should thank him later.
"Marami ang hindi naniniwala at marami ring
nainiwala sa mga kwento pero alam nyo ba ang mas pinaniniwalaan nila?."
"shmpre hindi." Rinig kong bulong nung vince na nakipag tawanan pa kay sean.
"Mas pinaniniwalaan nila na totoo ang mga kakaibang lahi, lahi na hindi katulad satin. Marami sainyo ang gustong mag karon ng kapangyarihan hindi ba? ang lahi na tinutukoy ko ay may kakayahang ganon." Paliwanag ni mrs.guadamor na ikinatayo ng balahibo ko.
Tama ba ang iniisip ko? may kwento kwento ngaba tungkol sa lahing pinag mulan nila daddy?
"Maam ano namang mga kapangyarihan yon?." tanong ng isa naming kaklase.
"Maraming kakayahan ang lahi nila, pero iilan lang sakanila ang naisasalin ang kakayahang ganon."
At isa si daddy sa ang may kakayahan.
"E maam pano naman po nalaman ang kwento na yan? hindi ba at parang imposible naman yun?" seryosong tanong ng kaklase namin sa harapan.
"Noong 1993 ay may kumalat na balita na may isang groupo ng mga matatanda na may kakaibang kakayahan o kapangyarihan, nakita ito mismo ng nga mata ni Gregorio Oghan. Ikinowento nya na ang mga matatanda na ito ay nabibilang sa pinaka mayaman sa buong daigdig dahil sinundan nya ito sa isang kagubatan pero hindi na sya nakapasok pa dahil sa inaakalang baka hindi na sya makalabas ng buhay."
Inaabanggan ko ang mga reaksyon ng mga kaklase ko dahil sa kwento pero hindi ko parin makita dahil lahat sila tutok na tutok sa kwento ng professor.
"Ano ano naman ang mga kapangyarihan nila maam?."
"Nakita ni Gregorio na lahat ng matatanda na yon ay kayang mag pagalaw ng kahit na anong bagay, kaya rin nitong mag labas ng mahika mula sa kamay na kulay lila o violet."
"E maam pano naman natin sila makikilala kung isa sila sa mga lahi na yun? e antagal na po non 1993 pa." Tanong naman ni patricia na nasa harapan.
"Mayroon silang kakaibang kulay sa kanilang nga mata, ayon kay gregorio ay dalawang uri ng lahi na yon ang nakita nya. Isang masama at isang mabuti."
Hindi ko alam kung kinakaya ko pa ba ang mga kwento na naririnig ko kaya ako na mismo ang nag tanong na gusto kong malaman.
"Maam? Takot ba ang mga tao saknila?" seryosong tanong ko kaya tinignan nya ako ng mabuti.
"Nakakatakot sila, kaya nilang manlinlang ng mga tao para lang sa kagustuhan nilang sakupin ang lahi ng mga tao pero hindi natuloy ang pag hahasik nila ng lagim at palakasin ang kapangyarihan nilang itim." Banggit ni maam habang nakatingin lang sakin.
"P-pero bakit hindi natuloy?" Kinakabahang tanong ko.
"Dahil ayon sa kwento, ang anak ng isa sa mga matanda doon ay nahulog sa taga lupa na yon kaya nagalit sila sa matanda at hindi na muling natuloy ang kanilang plano."
Napalunok naman ako habang sinasagot ni maam ang mga tanong ko.
"Nanahimik nalang ba sila?" tanong ko ulit.
"Hindi, hindi sila nanahimik dahil patuloy nila hinahanap ang bunga ng pagtataksil na iyon."
Ramdam ko ang pawis sa buong katawan ko at panginginig ng tuhok ko kaya napahawak ako bigla sa balikat ni kaiden na kahit diko tignan ay alam kong ukinagulat nya.
Hindi ako sumuko at nag tanong ako ulit para malaman na ang totoo.
"Bakit daw nila h-hinahanap?" Nginig kong tanong, di naman nakatuon sakin ang mga kaklase ko kung hindi kay maam kaya di nila mapapansin ang itsura ko ngayon.
"Nag tutulungan sila hanggang ngayon makita ang batang bunga ng pag tataksil at para patayin, dahil alam nilang ang bata iyon lang ang may kayang tumapos sa mga buhay nila."
Hindi ko na kaya.
"Ang batang bunga nag pagtataksil ay malaki ang kakayahan at kapangyarihan, at matutuklasan lang nya ito pag sapit ng ika labing walong taon." Huling saad nito at kumuha ng gamot sa bag at uminom ng tubig.
Hindi ko parin magawang umupo dahil sa nginig kaya ng maramdaman kong hinawakan ni kaiden ang kamay ko ay napatingin ako sakanya.
"Sit down, masakit na balikat ko." Saad nito kaya umupo na ako.
Tinignan ko ang bag ko at tinignan ko kung andon ba yung water na binili ko pero diko nakita kaya balak ko sanang tumayo at mag paalam para bumili ng tubig ng may iaabot sakin si kaiden ng tumbler.
"Drink it, masyado ka atang natakot sa kwento." Saad nito.
Nag aalangan may ininom ko parin ito at sinabi sakanyang huhugasan ko nalang pag breaktime.
Pag abot ko sakanya ay nakita kong uminom din sya kaya napa ayos ako ng upo at hindi sya tinignan.
bakit kana naiilang zein? hinalikan mo nga sya kanina di ka naman nailang.
...
NANG madismiss na ang klase ay lumabas ako at nag paalam kila pat na may pupuntahan lang ako, tumango naman sila at pumunta silang cafeteria dahil nagutom daw sila sa kwento ni mrs.guadamor
Dali dali naman akong tumungo sa cr at nilock yon ng makitang walang estudyante sa loob.
tinignan ko rin kung may cctv ba pero wala naman.
sunugin mo kung meron jk, hehe >..
-author.
Pag tapos ko mag hilamos ay pinakatitigan ko ang sarili ko sa salamin papunta sa mga kamay ko.
Ako ba talaga yung hinahanap nila?
Ipinuwesto ko ang mga kamay ko at binigyan ng konsetrasyon ang mga ito, tinignan ko ang gripo at wala animoy bumukas ito at nag labas ng maraming tubig. Tinignan ko ang mga pinto sa cubicle mula sa salamin at pag kurap ko ay sabay sabay itong nag sibukas. Pag pikit ko naman at dilat ay nag sara ito. Muli kong binalingan ang ilaw at itinutok ang kamay rito ng biglang nag patay sindi patay sindi ito.
Halibaw ba ako? hindi naman ako nananakit ng tao.
Napaiyak nalang ako at lumabas papuntang bench. Umupo ako doon at tinignan lahat ng mga estudyante na iba iba ang ginagawa.
Nilabas ko ang Cellphone ko at akmang tatawagan si mama ng biglang may tumabi sa tabi ko at nag salita.
"Kailan kaya kita makikita ng hindi tulala?" Pag bibiro nito.
"Sorry may iniisip lang ako." Walang ganang sambit ko.
"Ako ba yon?" Pambiro nito kaya naman binatukan ko pero mahina lang.
umakto naman syang nasasaktan at tinatanawanan ako.
"kung andito ka para asarin ako, then leave." Pag susungit ko.
Hindi nako mag papasalamat sa ginawa nya, di nya deserve.
"Kanina lang tulala ka, ngayon ang sungit mo na ah!" Pagmamaktol nito na parang bata.
"Btw, i am tyron guadamor, 19 nako pero muka akong 16 diba?" Saad nito pero tinawanan ko lang sya.
"Ikaw? 19 ka palang pala, kala ko kasi 28 kana." Wika ko naman na kinainis ng muka nya at umaktong inaayos ang polo.
"Nakaka hurt kana ah, ano pala pangalan mo? want to share?"
"Im zein martinez, 17. Ayoko sa lahat makulit." Pag papakilala ko na ikinagulat nya at akmang lumayo pa sakin.
"I dont want go to the jail." Pang aasar nito.
"Sira, papatulan ba kita hello? gusto nga kita isumpa e." Seryoso kong sagot na diko narin napigilan tumawa.
"Did i offend you?" Tanong ko nang mapansing natahimik sya
"Nahh, wag mokong pansinin." Nakayuko nitong saad.
ganto pala mag tampo ang mga lalaki?
"Sorry na joke lang e, ang cute mo kaya kamuka mo si v ng BTS ." Natatawang wika ko at nag tagumpay naman ako dahil tumingin sya sakin na nakangiti.
"Diko kilala yon but i think mas pogi pa ako don." Seryosong sabi nya habang inaayos ang ilong.
Umakto naman akong nasusuka kaya natawa sya at tinitigan ako sa mga mata.
"B-bakit?" Tanong ko ng seryoso syang tumingin sakin.
kinabahan naman ako agad baka kasi may napansin sya sa mata ko.
"Di kaba nag tataka kung bakit nakipag close agad ako sayo?" Tanong nito.
"H-hindi naman bakit?"
"May namimiss kasi akong tao." Saad nya habang kitang kita ang mga lungkot sa mata nya
"Ex mo?"
"Nahh, my little sister angeline." Banggit nya at nginitian ako.
"Pareho kasi kayo pag seryoso ang muka, ganon ang muka nya kapag nag tatampo sakin dahil diko binibilan ng icecream."
Tinignan ko naman sya agad at nakita kong nakatingin sya sa kawalan.
"Asan ba sya?" Mahina kong tanong sakanya habang tinitignan lang sya.
"She passed away last 3 years." Malungkot nyang saad pero nag taka ako.
"E diba nung pumunta ka sa room namin sabi mo pinapatawag si maam ni na kapatid mo angeline sa labas?" takhang tanong ko.
"I lied, sinasabi ko lang yon kapag nag wawala o nagiging bad nanaman si mama. She always hurting my sister for no reason, kahit na hindi nya kami totoong kadugo ay minahal namin sya ni angeline pero hindi e, palagi nya parin sinasaktan si angeline kaya nag suicide." Naiiyak nyanang kwento kaya inabot ko saknaya yung mineral na binili ko.
"Thanks." saad nya
"That's why thankyou kasi kahit papano nakausap kita, kahit papano naramdaman kong nakausap ko ang kapatid ko." Ngiting sabi nya kaya naman kahit di ko pa sya lubos na kilala ay niyakap ko sya.
"It is okay to me kung ituturing mokong little sister mo, pasasalamat ko narin yon sayo dahil kanina sa pag liligtas mo samin sa mama mo."
Tumayo naman kami agad ng marinig ang bell for the last subjects.
"So ano una nako ah? anong building ka pala?"
"A1-7th floor- 1²-archi." Ngiting sabi nya.
"Gusto mo hatid na kita sa room?" Pag aaya nya pero nahiya naman ako, pero pinilit nya parin ako pag papasalamat kaya pumayag narin ako.
Nang makarating kami sa room ay nag paalam narin sya na mauuna na dahil buildingA3 pa sya.
Pag upo ko sa upuan ay saktong wala ang katabi ko sa left side kaya umupo doon si patricia...
chismis allert!!!.