ZEIN LIANA MARTINEZ POV.
-
NAKARAMDAM ako ng gutom kaya naman napadilat ako at tinignan ang orasan sa table ko.
6:03 Am.
Maaga aga pa kaya naman tumayo na agad ako at nag unat saglit shaka naligo.
Hindi ko na kailangan ayusin ang mga gamit ko dahil palaging ginagawa yon ng isa sa mga katulong namin dito sa bahay. Sinabi ko narin naman na kay daddy na ok lang kahit ako na pero ayaw nya parin, she always treating me like his princess dahil nag iisa lang naman akong anak sakanila ni mama.
Pag tapos ko mag asikaso ay bumaba nako at tumungo sa dining table, naabutan ko pa si mama at daddy na nakangiting nag kokwentuhan. finally, okay na sila.
Napansin naman nila daddy ang presensya ko kaya umupo na agad ako sa harap nila.
"Goodmorning daddy and mama, are you guys okay na ba?" Nakangiting tanong ko at hinawakan ni mama ang kamay ko.
"Yes baby, stop worrying na okay? just focus in your class later." Masayang sambit ni mama at nag simulang kumain na ulit.
Hindi ko alam kung bakit gutom na gutom ako, siguro nga ay dahil cake lang ang kinain ko kagabi kasama si manong.
Inaya naman na agad ako ni daddy na aalis na at pumasok ng sasakyan, hinalikan ko na rin sa pisngi si mama bago isara ang pintuan ng sasakyan.
Habang nasa byahe ay nag sscroll lang ako sa social media ng mag salita si daddy.
"Liana, hindi masamang mag karoon ng kaibigan pero tandaan mo yung palaging sinasabi namin sayo ng mama mo ok? just know your limitations." Seryosong sabi nya.
"Yes dad, i always keep it in my mind but..."
should i tell him?
"Liana did yo-"
"Sorry dad, kung hindi ko ginawa yon edi sana hindi ako nakauwi." Kinakabahang sabi ko.
Mabait ang daddy ko, kami ang palaging nag kakasundo when it comes to our secret pero palagi nya rin ako pinapaalalahanan na hindi ko pwede gamitin ang kakayahang iyon ng walang pahintulot nya. Sa totoo nga ay ayaw nyanang magamit ko yun para wala ng problema.
"Tell me what happened." Seryosong sabi nya.
Kinabahan man pero handa akong ikwento dahil sya lang naman ang nakaka alam ng mas ikakabuti ng kakayahan ko.
"Nalock ako sa cr dad dahil may nag tapon ng juice sa polo ko pero ok naman na po, wala na kasi akong ibang paraan para mabuksan yung pinto kaya i use it.." Explain ko kay daddy na ikinahinto nya sa pag mamaneho pero nananatili parin akong naka yuko.
"May nakakita ba sayo?" Seryoso parin nyang tanong.
im with someone
"W-wala po daddy i swear, m-mag isa lang po akong naiwan sa cr." i lied. sorry daddy.
Pero nasure ko naman na hindi nyako nakita at napansin because...i did that thing..
"Dont be too pressure anak, i will not get mad." Halatadong nakangiting banggit ni daddy.
Pag tingin ko agad sa labas ng sasakyan ay nasa parking lot na kami ng university at marami rami nating estudyante na pumapasok.
"Bye dad, thanks for your time and Goodluck sa work." Banggit ko kay daddy at hinalikan sya sa pisngi.
Pag ka labas ko sa pinto ay agad din nmn binuksan ni daddy ang binatana ng sasakyan at naka ngiting pilyo ang binungad sakin..
"Pag may nambully sayo, you have my permission to use it. Just don't let them see ok?." Nakangiting sabi ni daddy na ikinasaya ng araw ko.
Sobrang swerte ko saknila ni mama lalo na kay daddy dahil hindi nya ako sinakal kailanman sa kakayahang meron kami pero di parin maalis sa isip nya na princessa nya ako at sinisiguro nya palagi na everyone can't hurt me.
Nag goodbye nako sakanya at tumalikod na pero may sinigaw pa sya.
"Goodluck to those girls!!"
Napatakip nalang ako sa ng bibig ko dahil sa sinabi ni daddy at ayoko naman isipin ng iba na nababaliw nako.
...
Nakita ko agad sila julia na papasok na kaya agad ko silang tinawag at pinuntahan sila.
"Goodmorning girls." Bati ko sakanila at binati rin ako.
"Bakit bigla ka nawala kahapon zein? ok naba uniform mo?" Alalang tanong ni patricia pero agad din syang siniko ni ayesha.
"Bakla ka, kita mo namang suot nya." Saad nito.
"Ay te muka ngang bago oh, yaman ni akla." Sambit nya habang tinitignan ako na parang ako ang pinaka mayaman sa mundo.
Si patricia ang pinaka mababa ang estado sa buhay saming apat, at si ayesha at julia naman ay pareho lang base sa mga kwento nila pero para sakin lahat kami ay pare-pareho lang at nag lilibrehan.
Sa totoo lang ay si patricia pa nga ang mukang maraming pera saaming apat dahil sa kadami ng achuchu sa katawan nya lalo na sa buhok nya na iba iba palagi Ang kulay o design.
naka wig ata sya? idk.
Nang makapasok na kami sa PHIL2 class ay agad din namang dinistribute ni sir Velazquez ang mga p.e uniform namin. Kulay abo ito at maganda ang disenyo ng damit.
"Okay class, ngayong nakuha nyo na lahat ang p.e uniform nyo ay puwede na kayo mag palit para maumpisahan na ang klase natin. I will give you 10 mins para mag palit since mahaba haba ang oras natin dahil wala kayong next class." Explain ni sir habang ang iba naman ay nag aayos na ng gamit nila at palabas ng room.
"Pre tingin mo ano first lesson jan kay sir?" Tanong ni sean sa katabi ko na si kaiden.
Di naman ako chismosa kaya tumayo na ako at sabay sabay kami nila julia nag palit. Humiwalay naman samin si patricia at sumama doon sa isa naming classmate na katulad nya ay beki din.
...
Nang matapos na kami mag palit ay bumalik din kami agad sa room pero hanggang ngayon naiilang parin ako.
S to xs real quick.
Hindi ko alam bakit ganito ang size ng damit ko dahil sa pag kaka alam ko ay small lang ang inilagay ko noon, ang shorts naman ay sakto lang saakin.
Pag pasok na pagpasok namin sa room ay agad din akong nahiya ng makitang lahat sila ay nakatingin samin pati narin si sir, napansin ko ring nag bubulungan sila.
"Mali ata nabigay sakanya."
"Kung ako yan mahihiya nako."
Diko na sila pinansin at umupo nalang sa upuan ko, may iilan pa man ding di pa nakakabalik kaya sana meron din iba ang size.
"Do you really want to show your body AGAIN huh?" Maninang bigkas ng lalaki sa tabi ko.
Kala ko pa naman nakalimutan nya na ang nangyari sa jeep but i was wrong.
"Wag kang tumingin kung nababaduyan ka." Inis pero mahinang sabi ko dahil parang ampangit pangit ko naman sa lagay ko ngayon.
"Anlakas mo rin e no? hilig mo rin bang bihagin si sir Velasquez?." Seryosong salita nya kaya nag init ang dugo ko.
"HOW DARE YOU!!" Sigaw ko at di na nakapag timpi kaya nakita ko nalang ang sarili kong naka tayo at naka harap sakanya.
Wala na akong pake kung tignan pa kami ng kahit sino dahil kahit anong mangyari, hinding hindi ko hahayaan na pag isipan ako ng tao ng ganong klaseng bagay.
"What? ngayon ako nanaman?" Naka ngising saad nya kaya naman agad sumagi sa isip ko ang ginawa ko sakanya kahapon sa cr.
Napangiti naman ako dahil sa kapilyuhang na isip ko at shaka yumuko kaunti sakanya at pinaka titigan ang labi nya.
"Bakit naiinis kaba dahil kahapon mr.alcantara?." Nanunuksong sabi ko habang tinitignan ang labi nya paangat sa mata nya.
hininaan ko lang iyon para hindi marinig ng kahit sino dahil nasa bandang likod naman kami at wala si sean sa tabi nya. Ayoko naman maissue sa lalaki na to kaya iniwan ko nalang syang naiinis at nahihiya ang muka bago pumunta kay sir Velasquez at nag paalam na pupunta sa h.e department.
"Okay you can go, just comeback immediately." Salita nya habang may sinusulat sa record book. Umalis agad ako at dali dali pumunta sa H.e department.
Pag ka dating ko ay nag aayos ang mga teacher at nag sasampay ng mga tshirt sa parang sampayan kaya agad akong pumasok at itininanong kung may extra pa silang small p.e shirt na plain ang likod at pinakita naman sakin na meron pa.
inantay ko agad ang tshirt dahil ipiniprint pa ang pangalan ko sa likuran at level.
ZEIN MARTINEZ
2-Aether.
Nang matapos ay halos kalahating oras ata ako nag antay kaya itinakbo ko nalang ang buong hallway pero wala akong nakitang ni isang estudyante sa hallway at baka dahil nag lelesson na sila.
Pag ka pasok ko ay agad akong napahinto dahil wala na ang mga kaklase ko at si sir velasquez.
napatingin naman ako sa upuan ako at sa tabi non ay may lalaking naka titig lang sakin na animoy inaantay ako. Pinuntahan ko naman agad sya para itanong kung nasaan sila sir.
Humarap ako sakanya habang naka tayo kaya naman tumingala sya sa akin.
"Asan sila?" Hingal na tanong ko.
"Nag lelesson na sa ground." Sagot nya habang pinag lalaruan ang bubble gum sa bibig.
"Bakit andito kapa?." Tanong ko nang bigla syang napangiti na nakakapilyo..
back off lia...
-
KAIDEN ALCANTARA POV.
- P a i d
Napangiti ako sa kapilyuhan sa utak ko ng makitang kinakabahan sya.
"Wait excuse." Wika ko at idinuwa ko ang bubble gum sa tissue na hawak ko at ibinato sa trashcan sa likod, na shoot namn ito dahil malapit lang ang pwesto namin sa likuran.
shooter parin.
"Nandito ako kasi...." Pag bibitin ko sakanya at hinila sya para mapaupo sa upuan ko at ako nmn ang naka tayo.
"Ano bang ginagawa mo?!" sigaw nya pero unti unti akong lumapit sakanya.
pinag laruan moko kahapon hindi ba? now its my turn to wake u up.
"Alam mo ba kung gaano mo ginulo yung isip ko sa ginawa mo kahapon?" Sambit ko habang pinapanood syang kabahan.
"You deserve it, manyakis ka!!" sigaw nya kaya napa iktad ako at tinitigan lang sya.
"Kung ikaw lang din, handa akong magin-" diko naituloy ang sasabihin ko ng halikan nya ako sa labi.
Napapikit ako ng mas nilaliman nya iyon at ibinalot ang mga braso sa leeg ko.
Hindi ko alam ang gagawin. Nahalikan ko narin si fatima noon pero hindi ganito ang pakiramdam dahil iba ngayon, parang may kuryenteng dumadaloy saaming dalawa.
Sinabayan ko ang pag halik nya sakin at unti unting mas ipinalalim pa ang pag halik sakanya ng biglang inilayo nya ang kanyang sarili at sinampal ako ng malakas.
wtf...
"Sana sapat na yan na kabayaran para sayo." Wika nya at sabay bahid ng mga luha sa pisngi nya na kanina pa pala nya iniiyakan.
Lumabas sya at hindi ko na nasilayan muli.
Ano bang ginawa mo kaiden? nakalimutan mo na bang 17 palang sya? bata pa sya!!
Sapo sapo ko ang muka ko habang sinisipa ang upuan sa harap ko, nakita ko namang may natumba na paper bag kaya tinignan ko ito at laman nito ang jersey ko na ipinahiram sakanya kahapon. Agad naman akong nag ayos at lumabas narin para pumunta sa ground.
Hindi parin mawala sa isip ko ang nangyari kanina, hinalikan nya ko. Wala sa plano ko ang halikan sya pero nadala na ako.
Dapat ba ako humingi ng patawad sakanya?
hell no! kasalanan naman nya kung bakit nangyari yon.
Nang maka baba sa ground ay nakita kong maraming estudyante ang nag lelesson sa kani kanilang section, yung iba ay sa volleyball, basketball, arnis at iba iba pa.
Nang makapunta ako sa dulo ay nakita ko na si sir Velasquez ay tinungo ko na agad si sean pero may nadaanan akong apat na estudyanteng may tinitignan sa section namin kaya naman tinabihan ko ito at pinakinggan ang mga sinasabi nila.
"Ganda nya no? nakita ko yan kanina sa parking lot e." Saad ng lalaking mukang bata pa.
"I think she's my type." singit naman ng lalaki na kasing laki ko lang din at mukang galing sa magarbong pamilya.
tsk, mas pogi pa ako.
Inis kong tinabihan si sean na pinapanood si sir at zein na tinuturan sya humawak ng bola.
Tinignan ko at pinanood nalang din. Napapansin ko naman na parang naka yakap na si sir velasquez kay zein kaya nag taas ako ng kamay at tinawag sila sir na ikinataka ng mga kaklase ko.
"Sir, hindi naman dribble ginagawa nyan e," Sigaw ko kahit nakatingin sila sakin ay si sean naman ang nahihiya para sakin.
"Sit down mr. alcantara, wait for you turn." Seryosong sabi ni sir na ikinatawa rin ng lahat.
Siniko ko naman si sean at vince ng makitang pinag tatawanan ako ng mga mokong.
Umupo nalang ako at pinakatitigan si sir velasquez at zein na hanggang ngayon di parin kaya mag dribbling ng bola.
tsk, Mas gusto mo yatang si sir velasquez ang nangmamanyak sayo.
Nang matapos na ang lahat maka try sa mga lesson ni sir at umakyat na rin kami agad namang nag palit ng suot.
Inaantay namin ang next professor ng pumasok na ang groupo ni zein.
bakit ba pati skirt nya di nya pinapalitan sa h.e department? tsk.
bat bako naiinis? sino ba ako?
Habang nag lelesson ang professor sa harap ay sinusulyap sulayapan ko si zein pero nakikinig lang sya sa lesson at nag tatake note kaya nag labas nalang din ako nag notebook at nag sulat ng nga keywords na binabanggit sa lesson.
Bait baitan kaiden.