bc

Brotherhood Billionaire Series 4: My life Max

book_age18+
1.2K
FOLLOW
4.6K
READ
billionaire
sex
kickass heroine
comedy
bxg
witty
wife
passionate
like
intro-logo
Blurb

Dahil sa kaniyang trabaho ay nanganib ang buhay ni Max. Nagising na lamang siya isang araw na nasa Isla. Ang gwapong lalaki na tumulong at nagligtas sa kaniya ay isang pamilyar na tao di niya matukoy kung saan niya nakita. Si Knight Brickerman. Sa pananatili niya sa islang ito ay mahuhulog ang kaniyang loob sa taong nagligtas sa kaniya. At ano pa ang kaniyang matutuklasan sa pagdaan ng mga araw kung si Knight ay kasama pala niya una palang.

chap-preview
Free preview
Prologue
Natutuwa at napapailing na lamang ako sa mga kaibigan ko na kasama ko dito sa aking bahay. Kasalukuyan kaming nanood ng movie ngayon habang umiinom ng beer sa sala. Kaniya-kaniya kaming salampak ng upo sa sahig kahit may sofa naman. Ngayon nalang kasi kami ulit nagkasama-sama matapos ng ilang buwan dahil sa kaniya-kaniyang kabusyhan sa buhay. Masaya din ako dahil kakatapos lang din ng aking misyon at napadpad pa kami sa pampanga mahuli lamang ang mga kriminal na matagal na naming minanmanan. Apat na taon na akong nasa serbisyo sa NBI. Ayaw man ng magulang ko ay wala silang nagawa dahil desidido ako sa aking pangarap, habang ang kuya Lance ko ay isang doctor. Nagbibiro pa nga ang mga kaibigan ko na 'Ako taga patay ang kapatid ko ay taga buhay' tinatawanan ko na lamang ang mga ito. “Nice lahat kayo may kaniya-kaniyang lovelife na sana all". Pang aasar ko sa aking mga kaibigan na bigla nanahimik ng sabay sabay. “Ikaw Akeera kamusta kayo ni Papa Aris" dagdag ko pa. “A-anu ba sinasabi mo diyan!" anito na namula ang mukha sabay lagok ng beer. “Oh may lovelife kana pala Akeera kahit dika pala labas ng bahay?" tudyo ni Lily. “Wow nagsalita ang walang Draco sa buhay" “Tse! animal na yun dipa ako nakakaganti sa ugok na yun!" biglang naging tigre ang maamong mukha nito. “Ayehhh si Lily may lovelife na rin!" sulsol ni Gail. Inirapan ito ni Lily. “Isa ka pa Gail, hindi porke galing ka ng China ay naka move on kana yari ka kay Lance" palatak ni Akeera. Lahat kami ay napatingin sa kaniya. Ako naman ay napangisi habang si Gail ay parang naestatwa. “Hays ewan ko ba sa inyo ni Kuya, ang masasabi ko lang sa inyong dalawa ay humayo kayo at magpakarami" sabay tawa ko na tinawanan ng lahat pwera lang sa kaniya na parang natuod. Hindi ko din maintindihan ang dalawang ito kahit gusto ang isat isa ay nagkakahiyaan pa ang tatanda na. Itong kuya ko naman na pabagal bagal at natotorpe kay Gail alam na nga na patay na patay sa kaniya ang kaibigan ko. Natauhan lang nang umalis si Gail at nagpunta ng China. Hays bahala sila. “Oyyyy may tahimik dito siguro nakarelate" sabat ni Lily sabay nguso kay Honey habang seryoso nanood ng movie katabi si Candy na kapatid ni Cassey. Agad pinulahan sa mukha si Honey. “Nanahimik ako dito ah" sabay iwas sa amin at dumikit ng husto kay candy. “Kamusta na kayo ni Xander? Balita ko nagkakamabutihan na daw kayo?" pang aalaska ko dito, ito naman ngayon ang halos nasa hot sit napahawak pa sa braso ni candy. “E-ewan ko. B-bat ba ako, k-kayo nalang mag usap d-diyan" halos magkanda utal nitong salita. “Naks naman ang ating maria clara pumapag ibig na!" sulsol ni Akeera. “Basta si Cassey malapit na ikasal" pangpagulat ko sa lahat. Nakita ko pa na naubo sa iniinum ng beer si Cassey. Tinapik tapik sa likod ito ni Gail. “Anu ba yang pinagsasabi mo Max nakakagulat ka!" inis nito sa akin pero lahat kami ay nasa kaniya na ang atensiyon. “Basta one of this days ay happy family na kayo" sabay kindat ko sa kaniya. Nasa loob ng kwarto nito ang anak nitong si Mickey dahil maaga palang ay nakatulog na. Ito naman ay ngayon ang namula ang mukha. “Ikaw naba ang susunod na madam Auring Max?" inis ni Cassey. “Sabihin na natin na OO!" sabay halakhak ko. “Akala niyo hindi ko alam ang mga nangyayare sa buhay niyo lalo na tungkol sa mga lovelife nyo. Busy man akong tao pero alam ko kaya wag na kayo magkaila" napangisi ako dahil sa mga facial expression ng mga ito. “Nice pa burger naman kayo diyan! Puro may lovelife na pala kayo ah" tumatawa pa si Candy. “Akala mo Candy makakalusot ka. Kasama ka din" nilakihan ko ang mga mata ko dito. Ito naman ngayon ang tinakasan ng kulay. “Candy?" kunot noo ni Cassey sa kaniyang nakakabatang kapatid. “Hala sino Candy?" si Honey na biglang niyugyog ang mga balikat ni Candy. “Ready kana ba Lily maging Sister in law si Candy?" tanong ko kay Lily at ito naman ay nagulat. “Alam mo Max, diko alam kung sinasapian ka ngayon ng masamang espiritu. Ang dami mo atang alam may powers kaba?" sabay bato sa akin ng throw pillow. Agad ko naman na salo. “Gusto niyo ba talagang malaman." “OO !" sabay sabay ng lahat na aking kinatawa ng husto. “Sandali baket parang kilala mo sila Max" si Honey na ang tinutukoy ay ang mga jowa ng mga ito. “Dahil sa picture nating lahat" tumingin ako sa mga ito na mukhang mga seryoso. “Pinakabit ko ang malaking picture frame nating lahat na magkakasama sa sala namin sa bahay. Agaw pansin siya actually dahil naka two piece tayong lahat dun!" nakangisi ako habang nagkukwento. Ito yung panahon na nagbakasyon kami sa Batangas. “Anu bang pumasok sa isip mo Max at binalandra mo pa ang picture natin dun nakakahiya" si Cassey. “Sakin okay lang, makinis at sexy tayo dun !" si Lily na natuwa pa. “Kaya nga kayo nagka lovelife ngayon dahil nakita ang inyong kagandahan" “Actually kaibigan ni kuya Lance lahat ng mga jowa niyo" “What?!" “Ano?!" “Panong nangyare?" Wala ng tigil ang pagkakangisi ko sa mga kaibigan ko na lahat ay gulat na gulat. Tumikhim muna ako at sumeryoso. “Magkakasama sila isang Organisasyon. Parang brotherhood. Pero bago sila maging member ng grupo ay sasabak muna sila sa training. Hindi ka basta basta nalang makakasali sa kanila dapat ay physically fit and mentally fit." “Parang military service ganun?" si Candy. “Tumpak. Two years silang nagte-training. At sa ibang bansa nila ito ginagawa. Mapa winter at summer man ay tuloy tuloy ang kanilang training. Marami na rin ang sumuko kaya masasabi ko silang magagaling dahil lahat sila ay nakapasa, dugo pawis at matinding gutom ang kinaya nila ." Seryoso silang napatingin sa akin habang nakikinig. “Kung may napansin kayong tattoo sa likod ng kanilang katawan. Ito ang nagpapatunay na isa silang kasapi ng brotherhood. Hindi ito simpleng tattoo lamang. Dahil ang design ay ang pinaka leader lang nila ang gumawa." “Anung tawag ng grupo nila?" si Akeera. “ Brotherhood Billionaire" “Billionaire talaga?" si Gail. “Yup, tignan mo naman ang estado ng buhay nang mga jowa niyo kung diba mukhang mga bilyonaryo." Napasinghap at napatili naman si Lily. “OMG! kaya pala naglaho na parang bula si Leandro ay dahil kasama siya Max?!" nanlalaking mga mata ni Lily. “Yeah you got it" “Yun pala ang kwento mo na naging missing ang kapatid mo Lily?" si Akeera. “Si Lance pala ay kasali din?" si Gail. “Oh no! Kaya pala may tattoo si Aris sa kaniyang likod" si Akeera. “Sabi ko sa inyo kilala ko sila lahat dahil mga kasamahan siya ni Kuya sa grupo nila." Si Lily na binuksan ang cellphone nito ay pinakita ang mukhang Ermitanyong kapatid nito na si Leandro. “Look! ito ang itsura ni ugok three years ago." “Pumapanget pala sila sa training ? " “Teka parang pamilyar siya" si Candy na kung todo ang titig sa picture . Humalakhak ako na kaya napabaling sa akin ang kanilang atensiyon. “Of course kilala mo iyan Candy, diba yan ang manliligaw mo si Leandro" sabay kindat ko dito. Ang lahat naman ay napako ang mga mata kay Candy. At ito naman ay nanlalaki ang mga mata. “What? magkakilala kayo ng kapatid ko? kelan? saan? paano nangyare?" sunod sunod na tanong ni Lily. “Oppss long story, maski siya ay di niya alam. Importante diyan ay tanggap mo ba na maging kapamilya si Candy huh Lily?" pambawi ko, dahil tiyak baka magulo ang lahat lalo na si Cassey ang dahilan. Tinitigan ni Lily si Candy. Sabay hawak sa kamay nito. “Alam mo Candy kung totoo man ang pinagsasabi ni Max ay sana nga totoo. Walang problema kung ikaw ang makatuluyan ng kapatid ko. Sa totoo lang ayaw ko na makita ang pagmumukha niya dahil lagi kami nag aaway. Baka sayo ay magbago na ang ugali niyang masungit at pabida. Wish ko sa inyo ay wag na kayo maghiwalay at mag anak kayo ng isang katerbang jonakis. Kapag sinaktan ka niya ay sabihin mo sa akin at ako na gugulpi sa kaniya." madamdaming pahayag ni Lily. Si Candy na natameme nalang at nahihiya sa reaksyon nito.Tumango na lamang ito kay Lily. “Hay buhay nga naman parang life " si Akeera na kinikilig. “Pero pano nga sila nagkakilala eh nasa probinsiya si Candy" si Honey na napapaisip. “ It's about Cassey and her daughter happiness" Si Cassey na natahimik at parang napapaisip sa mga bagay bagay. “Basta ako ay natutuwa sa inyong lahat. Magkahiwa-hiwalay man tayo dahil magkaka pamilya na kayong lahat. Ang friendship natin sa bahay na ito ay diko makakalimutan. Mahal ko kayo guys!" “Group hugs!" si Akeera. At sabay sabay kaming nag yakapan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.6K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.7K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook