Chapter 12: Ang Duyan

2566 Words
“The faults of a superior person are like the sun and moon. They have their faults, and everyone sees them; they change and everyone looks up to them.” ~Confucius “FOLLOW YOUR HEART. Kung ano talaga ang gusto mo, iyon ang sundin mo.”             “Paano kung hindi naman magiging masaya ang mga taong nakapaligid sa’yo? Susundiin mo pa ba ang puso mo?” tanong ni Mayan             “Sometimes we tend to please all the people around us. The sad truth is we can never please them, Mayan. Sasabihin nila sa iyong mali ito, mali iyan. Hanggang sa huli, namalayan mo na lang isang araw, sila na pala ang nagpapatakbo sa buhay mo. Palagi tayong may choice sa buhay, Mayan. Kung gusto mong maging masaya, go for it. Ngayon kung pakiramdam mo tama sila at may rason sila para hadlangan ka, you wouldn’t risk losing them. It will always be your choice.”             “Salamat, ate KM,” ani Mayan.             Mayan’s smile touched her soul. That sense of belongingness was one thing she was yearning before. And little by little, she was earning it.             Naputol ang pag-uusap nila nang tawagin sila ni Paul. Dagli nilang kinuha ang mga gamit at lumulan sa sasakyan.  Pagkasakay agad na pinagtugtog ni Mayan ang playlist nito sa cellphone. Sinabayan niya si Mayan sa pagbirit ng I Got A Boy ng Girl’s Generation.             “Can you please pull that off, Mayan!” Paul snapped.             “Ang KJ mo talaga, Kuya.”             “Ba’t ba gustong-gusto niyo iyan? Hindi niyo naman naiintindihan ang lyrics. You’re already 23 for Pete’s sake!”             Nakabusangot na kinuha ni Mayan ang earphone nito at tahimik itong umindak sa sariling mundo. Tahimik niyang tinignan si Paul. Gustong-gusto niyang pinagmamasdan ang mukha ng asawa.             “What?” tanong nito nang makitang nakatingin siya rito.             “Noong unang pahanon, may isang hari na nakatira sa isang napakagandang palasyo kasama ang tatlong dalagang anak. When the queen learned that the second princess wasn’t her own, she casted her away from the castle. And the King and other princess watched her go away. Ipinang-utos ng reyna na ipapatay siya oras na nagpakita siya. Kaya naman nagtago siya, humihiling sa Haring Araw na bigyan siya ng makakasama sa buhay para ipagtanggol siya. Araw-araw siyang humihiling. Ngunit hindi pinagbigyan ang mga kahilingan niya.” Huminto siya, huminga nang malalim.             “What happened next?” Paul asked.             “The soldiers of the castle found her. Handa na siyang patayin nang sa kauna-unahang pagkakataon biglang dumilim. Nakapagtago siya at hindi na kailan man nahanap. Wala siyang ibang kasama kundi ang buwan. Ang buwan na gumabay at nagkanlong sa kanya sa kadiliman.”             “Why are you telling me this?” he asked.             She looked at him and for a couple of seconds they had their world, their own dimension, “Because you are my moon.”             Walang bumitiw ng tingin sa kanila, at hindi niya napigilan ang sariling hinaplos at kinurot ang pisngi nito.             “Kung ayaw mong mabangga, tanggalin mo ang kamay mo,” anito.             Ngumiti siya at nagkibit-balikat. Tumingin siya sa bintana at pinalipas ang oras sa pagtingin sa mga tanawin sa labas. Pagkalipas ng mahigit dalawang oras nakarating na sila sa Calatagan, Batangas.             Masaya silang binati ni Lolo Dominic, nasa tabi nito si Anthony. Humahangos na sumunod si Lola Allysa, mukhang nagluluto ito at may apron pang nakasuot dito.             “Tamang-tama ang dating ninyo, malapit nang maluto ang tinolang manok para makapagtanghalian na tayo,” anang matandang babae.             Masayang binuhat ni Paul si Anthony. Ikiniskis nito ang one-day old nitong balbas. Napahagikgik sa kiliti si Anthony.             Ano kaya ang pakiramdam kapag sa akin ginawa iyon ni Paul? anang pilyang isip niya. Biglang lumingon sa kanya si Paul at namula siya sa naisip. Parang natutunaw siya sa mga titig nito. Para siyang teenager na kinikilig.                        “Mukhang na-miss nila ang isa’t isa,” bulong sa kanya ni Lolo Dominic.             Lumingon siya at nginitian ang matanda. “Pansin ko nga ho. Siya nga po pala, may pasalubong po ako sa inyo.”             Nanlaki ang mata ng matanda pagkakita sa folder na binigay niya rito. Compilation iyon ng mga lumang kanta noong 80’s at 90’s. Nahirapan siyang maghanap ng kopya niyon. Ngunit may kakilala siya nagbebenta noon kaya naman kahit mahal ang tinda sa kanya binili niya.             “Diyos ko po, paano ka nagkaroon ng mga ganito? Salamat, KM! Maiinggit tiyak sa akin nito sila pareng Papol at pareng Jesper!” walang pagsidlan na tuwa ni Lolo Dominic.             “Wala po yon. Alam mo namang malakas ka sa akin, Lo.”             “Kuu, ‘wag ngang kung anu-ano ang binibigay mo riyan kay Domingo. Mamimihasa iyan, Ke-Em. Hindi na iyan bata para bigyan ng pasalubong,” singit ni Lola Allysa.             “Magtigil ka nga riyan, Alicia. Ala eh, baka inggit lang iyan dahil wala kang pasalubong,” saad ng matandang lalaki.             “Bakit naman ako maiinggit, aber?” nakapamaywang na sita ng lola.             “La, hayaan niyo na po. Hindi lang naman si Lolo ang may pasalubong sa akin eh, kayo rin po,” aniya saka inabot dito ang pink na paper bag.             “Naku, ‘di ko kailangan iyan,” tanggi nito.             “Kunin niyo na po,” pamimilit niya.             “Ayoko.”             “Bagong release na libro po ito ni Vanessa,” nakangiti niyang saad.             “Sige na nga,” anito saka kinuha ang paper bag. Kagaya niya, mahilig itong magbasa ng pocketbook, lalo na sa mga ni Vanessa. Kompleto nito lahat ang gawa ng nasabing writer. Nanlaki ang mga mata nito nang makita ang libro, malamang ay wala pa ito niyon.             “Salamat,” anito at bumalik ulit ito sa normal, nakabusangot parang naging kapatid nito si Miss Minchin.             Naging masaya ang tanghalian nila, may panaka-nakang alitan ang dalawang matanda ngunit mukhang nasanay na rin sila. Nagsiesta si Lola Allysa pagkatapos kumain, naglalaro naman ng video games si Paul at Anthony kalaban ng mga ito si Mayan. Umakyat si KM sa kwarto at naglagi sa veranda sa pangalawang palapag. Mahangin sa parting iyon kaya naman gustong-gusto niyang doon nagbabasa ng mga baon niyang nobela. Tinatapos niya ang Gone Girl ni Gillian Flynn.             “Bakit ayaw mong sumali kila Paul?”             Binalingan niya si Lolo Dominic at sinabing, “Hayaan niyo na po silang magkaroon ng bonding.”             “Kumusta kayo ni Paul?”             “Maayos naman po kami. Kayo po?”             “Awa ng Diyos, mabuti naman kami,” sagot nito.             “Kayo po ni Lola ang ibig kong sabihin,” aniya at tumayo at humawak sa pasimano ng veranda. “Kung hindi niyo na po mahal ang isa’t isa, bakit pa po kayo nagsasama?”             Tumingin ito sa parang, mukhang bumalik sa isip nito ang mga pinagdaanan nito at ng asawa. Akala ni KM hindi na nito sasagutin ang tanong niya ngunit may itinuro ito, “Nakikita mo iyong duyan na iyon?”             Sinundan niya ang tinuturo ng matanda. Tumango siya. Isa iyong pangkaraniwang duyan na nakakabit sa sanga ng dalawang puno. Iyon ang duyan na sinakyan ni Anthony.             “Kapag nawala ang isang puno, hindi pwedeng ikabit ang duyan. In short, walang duyan kung wala ang isang puno.”             Tumango-tango siya, nakuha ang matalinong punto ng matanda – responsibilidad. “Pero pwede namang ikabit sa ibang kahoy para magkaroon pa rin ng duyan,” aniya.             “Oo, pero mag-iiba ang perspektibo ng duyan at sa mga uupo dito, ang anggulo at maging ang mga pananaw nila, KM,” rason ng matanda.             “Kaya niyo pong makisama kahit responsibilidad na lamang ang nag-uugnay sa inyo?” tanong niya.             “Sino ang nagsabing iyon lang ang rason?”             “Pero iyon po ang sinabi---“             “Hindi perpekto ang buhay, KM. Minsan naghahanap tayo ng kasiguraduhan sa buhay para takbuhan ang mga problema at mga suliranin natin. At para magawa iyon, kailangan mong magsimulang muli sa pamamagitan ng kasal. Panibagong buhay. Pero walang garantiya ang kasal, KM. Walang kasiguraduhan. Kung iyon ang hanap mo, aba, bumili ka na lang ng mga appliances, iyon pwede mong ibalik kasi meron iyong... w-wa... ano ulit ang tawag doon, iha?”             “Warranty po, Lo,” nakangiting sagot niya.             “Ah, iyon nga. Warranty. Pwede mo iyong ibalik. Eh ang kasal? Hindi. Habang buhay na commitment iyan. Walang perpektong kasal, KM. Kung gusto mong maging maganda ang relasyon ninyo, dapat alam ng babae ang maging bulag at maging bingi naman sa lalaki,” mahabang paliwanag ng matanda.             Natawa siya sa sinabi nito. “Mahal niyo pa ba si Lola?”             “Siya ang duyan ng buhay ko, KM. Hindi ko kayang mawala siya sa akin,”             Tumayo ang balahibo niya sa intensidad ng boses nito.”Ano po ba ang dahilin kung bakit naging ganito kayo ngayon,  Lo?”             “Marami akong pagkakamali. Ayoko ng sabihin na ‘lalaki lamang ako kaya ako natukso’ para pagtakpan ang kamalian ko, inaako kong nagkamali ako. Sobra ko siyang nasaktan.”             “Bakit hindi niyo po siya suyuin?”             “Ginawa ko na ng maraming beses. Pero wala pa rin, apo. Hanggang gumawa na lang ako ng paraan para mapansin niya ako, ang kontrahin siya sa mga desisyon niya.”             “Gusto niyo pa rin bang bumalik kayo sa dati?” tanong niya.             Nakuha niya ang atensiyon nito, lumingon ito sa kanya. “May alam ka bang paraan?”             Ngumiti siya rito. Ngiti na may kasamang pag-asa na manunumbalik ang masayang samahan ng dalawang matanda. ~~o~~ “OH ANO, HANDA na ba kayo?” tanong ni Lolo Dominic.             “Oo, Lo, handa na kami,” sagot ni Mayan.             “Sigurado ba kayo sa gagawin natin?” inip na saad ni Paul. Pinilit nilang tatlo ito para sumama sa naisip nilang paraan para suyuin si Lola Allysa.             “Ano naman. You cooperate, okay?” aniya sa asawa. “Right, little wolf?” Tumango at humagikgik si Anthony habang hinahalikan niya ito sa leeg. The child was adorable.             “Okay, let’s do this!” ani Mayan, akmang pipindutin ang CD player nang pigilan ito ni Lolo Dominic.             “Susme, kinakabahan ako. Tama ba ireng pinaggagawa natin, eh?”             “Lo, nandito na po tayo. Ayaw mong mawala ang duyan, remember?” aniya at kinindatan ang matanda. Huminga ito ng malalim saka tumango kay Mayan. Sinabayan ni Lolo Dominic ang tutog at pumailanlang ang awitin ni Pilita Corales na Dahil Sa’yo             “Sa buhay ko'y labis ang hirap at pasakit ng pusong umiibig mandi'y wala ng langit. At ng lumigaya hinango mo sa dusa. Tanging ikaw, sinta ang aking pag-asa.” Ramdam ni KM ang emosyon sa awit ni Lolo Dominic, nakakadala at dinuduyan ng musika nito ang kanyang puso.             Sinabayan nilang lahat ang matandang umiibig. “Dahil sa 'yo nais kong mabuhay. Dahil sa 'yo hanggang mamatay. Dapat mong tanungin, wala ng ibang giliw. Puso ko'y tanungin. Ikaw at ikaw rin.”             Bumukas ang ilaw sa kwarto ni Lola Allysa. Hindi nagtagal ay nakadungaw na ito sa bintana. “Dahil sa 'yo ako'y lumigaya. Pagmamahal ay alayan ka. Kung tunay man ako ay alipinin mo. Ang lahat sa buhay ko'y... dahil sa 'yo.”             “Ano bang kalokahan ‘yang pinaggagawa niyo riyan, ha, Domingo?” nakapamaywang na saad ni Lola Allysa.             “Hinaharana ka,” sagot ng nakatingalang si Lolo Dominic.             “Harana? Sa tanda kong ito? Kung kailan puti na ang mga buhok ko? Saka mo ako dadaanin sa mga ganyan!”             “Iyon ang punto, Alicia. Matanda na tayo. Ayokong mamatay tayong may samaan ng loob. Patawarin mo na ako, irog. Aba’y gusto ko nang maranasan ulit ang pagsintang yakap mo. Tama na ang bangayan. Tama naman na ang ganito, Alicia. Ako ay napapagod din naman eh. Mahal na mahal kita at ang puso ko’y sa’yo lamang, irog.”             Itinaas nila KM, Paul, Mayan at Anthony ang karton na may mensaheng, Will You Be My Irog Again?             Matagal bago nakasagot si Lola Allysa. Halata namang natunaw ang yelong ibinalot nito sa puso, masyadong lang mataas ang pride nito para aminin iyon. Halatang dito nagmana ang kanyang Paul.             Kanyang Paul. I like that idea of exclusiveness.             “Gabing-gabi na bakit isinali niyo pa si Anthony? Paano kapag nahamugan iyan? Hala, pumasok nga kayong lahat!”             Inayos nila ang mga ginamit at pumasok sa loob kung saan naghihintay ang matandang hinarana nila. “Mayan ipunta mo na si Anthony sa kanyang kwarto. Kayong mag-asawa, matulog na rin kayo. At ikaw naman Domingo.” Tinignan nito ang asawa, nakataas ang mga kilay. “Sundan mo ako sa kwarto ko at magtutuos tayo.”             Nauna itong umakyat sa kwarto nito. Nagkamot ng ulo si Lolo Dominic at sinundan ang asawa. Lumingon ito sa kanila ni Paul saka nakangiti na nag-thumbs up. Umiiling at natatawa naman siyang umakyat sa kwarto nila.             “Bakit ka tumatawa?” tanong ni Paul.             “Kasi po, para kang si Lola. Madaling maasar, bugnutin, masungit... pero,” pabitin niya habang nakahiga sa katre nila.             “Pero?”             “Pero madaling mahalin... masarap mahalin,” sinsero niyang saad.             Humiga rin ito sa tabi niya, nagkakabungguan ang kanilang siko. She was getting familiar with his scent. Smelling him was like having a chemical reaction with two elements compounded into one. And she was bursting with so much pleasure and contentment.             “Did you know the story of the blind and the wolf, Paul?” she asked.             “No. Tell me,” he demanded.             “Once upon a time, in a far away kingdom, there live a King and his three beautiful daughters. Ang panganay na anak ay namana ang dunong ng amang hari kaya giliw na giliw dito ang huli. Kamukha naman ng Reyna na namayapa na ang pangalawang anak. Ayaw na ayaw siyang nakikita ng Hari dahil pinapaalala nito sa Hari ang Reyna. At namana ng pangatlo ang galing ng Hari sa pakikidigma. Hanggang isang araw, unti-unti nawala ang paningin ng pangalawang anak. Nasa salinlahi ng reyna ang pagkabulag. Dahil doon, ipinatapon sa isang gubat ang prinsesa kasama ng isang lobo. Mabangis ang hayop na iyon, akala ng lahat na iyon ang papatay sa prinsesa. Ngunit hindi nila alam na mas nakakakita ang mga bulag, sila ang mas nakakarinig. Dumating ang punto na napaamo ng bulag ang lobo, binigyan niya ito ng tirahan at inaruga. Kapalit noon ay ang pagmamahal ng lobo sa bulag na prinsesa. Ito ang nagsilbing mata niya.” “So that’s it? No happy ending or what?” “Do you know the name of the wolf, Paul?” Tumingin ito sa kanya, nagtatanong ang mga mata nito. “His name is Angelo. And for your question, yes, they will have a happy ending.” Matagal bago ito nakapagsalita. “Does the blind girl know how to kiss the wolf?” She flushed. “No.” “Why not start our sessions of teaching you how to kiss?” he asked, his voice rasping. Her heart was pounding like the beat of a drum. Her heartbeats were racing as if in a car race. It was unstoppable. She couldn’t find her tongue to response with his tempting proposal. But after a quarter of a minute, she managed to say a persuasive ‘Yes.’
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD