Chapter 11: The Awakening

2003 Words
“I woke up one morning thinking about wolves and realized that wolf packs function as families. Everyone has a role, and if you act within the parameters of your role, the whole pack succeeds, and when that falls apart, so does the pack.” ~Jodi Picoult KATATAPOS MALIGO NI KM. Pinapatuyo niya ang buhok habang nakatingin sa salamin. Nakaluto na rin siya at hinihintay na lamang ang asawa. Ano kaya ang reaksiyon ni Paul sa kanyang regalo rito? Malamang namumula na iyon sa inis sa kanya, o baka kinikilig na ito ngayon.             Pagkatapos magbihis ay bumaba na siya para hintayin doon si Paul. Hindi nagtagal ay narinig na niya ang ugong ng sasakyan ng asawa. Naroon na naman ang mabilis na kabog ng kanyang dibdib.             “Why did you do it!” bulyaw nito sa kanya, inuhan siyang batihin ito.             “Ano’ng ginawa ko?” pagmamaang-maangan niya.             Inilabas nito ang cellphone nito. “The ringtone.”             Ngumiti siya. Iniwan niya ito at pumunta sa dining area. Sinundan siya ni Paul. “Nagustuhan mo?”             “Nagustuhan? Sino ang nagbigay sa iyo ng karapatan na pakialaman ang cellphone ko?”             “Ako. Regalo ko iyon sa’yo sa monthsary natin,” aniya.              “Woman, what will I do to you?” Hinilamos nito ang kamay sa mukha. Then he bit his lower lip while looking at her. It was so sensual that made her throat dry in anticipation. His eyes were mesmerizing her, clouding her reasoning and she was drowning to his enormous s*x appeal.             He was thinking, KM. Get on with your senses. He sauntered slowly and his gaze never left her.             “Ano ‘yang nasa isip mo?” aniya habang paatras na nakarating sa dirty kitchen. Wala na siyang maatrasan dahil nasukol na siya nito sa may lababo.             “You vicious naughty woman, I wonder what would it feel to wring your lovely neck, but you’re too lovely for that. What you need is a dose of your own medicine.”             Bago siya makapagsalita, kinabig nito ang kanyang baywang at naramdaman niya ang labi nito sa nakaawang niyang labi. Mainit. Mapusok. Mapag-angkin. Nahalikan na siya ng dati niyang kasintahan ngunit hindi sa gantinong paraan at hindi sa ganitong intensidad. Gulat na gulat siya at hindi siya makagalaw.             Akala niya ay overrated lamang ang deskripsiyon ng isang halik sa mga pocketbook at pelikula, ngunit totoo pala iyon. Pakiramdam niya nagsabog ang kalangitan ng mga bulalakaw. Akala niya ang halik ay simpleng pagsasalubong lang ng dalawang labi, ngunit mas malalim pa pala iyon. Hinahalikan siya ni Paul nang may pangangailangan, may pag-imbot na dito lamang niya naramdaman.             Ipinikit niya ang mga mata at hinayaan ang sarili na namnamin ang matamis nitong labi. The smell of his breath was a combination of his natural musk and a sweet dandelion. It made her dizzy with desire. Sinabayan niya ang ritmo ng halik nito. Napa-ungol ito.             “Ooh, woman, you’re driving me crazy,” he said, as if someone was torturing him.             Hinahabol nila ang paghinga, akala ni KM tapos na iyon nang maramdaman niya ulit ang mga labi nito. Binuhat siya nito at inupo sa malamig na kitchen counter. Nakapulupot ang kanang kamay nito sa kanyang bewang habang ang isang kamay nito ay nakahawak sa kanyang dibdib. He fondled her breast. She was delirious by the warmth coming from his hand and the heat spreaded to her whole body like a raging fire.             Hindi na mawari ni KM kung sino sa kanilang dalawa ni Paul ang umuungol. Ang alam niya, pareho sila nakakulong sa mundo ng pagnanasa... pangangailangan. Isang malalim na pangangailangan na kailangang tugunan.             “Oh, my God!”             Ang mahika na bumabalot sa kanila at ang pangangailangan ay dagling nawala dahil sa boses na iyon. Parehas silang napalingon ni Paul sa pinanggalingan ng boses. At nabuhusan siya ng malamig na tubig pagkakita sa gulat na gulat na si Mayan.             “What are you doing here?” Paul asked irritatedly, reddening because of the caught act.             “M-may seminar kami. Naisipan kong dumaan para kumustahin kayo at makikain na rin. Pero ibang pagkain pala ang maaabutan ko,” nauutal nitong saad.             Doon mas nahiling ni KM na sana lumiit na lamang siya. Hiyang-hiya ang pakiramdam niya. Humiwalay sa kanya si Paul at napansin ni KM ang naninikip nitong pantalon. Namula siya pagkaisip sa namagitan sa kanila.             Itinaas niya ang dalawang strap ng bestida niya na nakababa pala. “Aayusin ko lang ang hapunan natin.” At pati ang sarili ko.             Wala silang imikan habang naghahapunan. Ang mga kalansing lang ng kutsara sa tinidor ang maririnig na ingay.             “Hanggang kailan matatapos ang seminar ninyo?” tanong ni Paul.             “Sa Friday, Kuya. Pero dito muna ako tutuloy, makikisabay na lang ako sa inyo sa Sabado,” ani Mayan na patingin-tingin sa kanya. At nang minsang magtama ang tingin nila, kinindatan siya nito. Muntik siya mabilaukan dahil doon.             “Are you okay?” tanong ni Paul.             Tumango siya. ayaw tignan ang asawa dahil natatakot siyang bumalik ang kalandian ng kanyang puso.             “Mauuna na ako. Nakakapagod ang maghapong makinig sa boring na speaker ng convention namin. Saan ako matutulog?” ani Mayan na nakatingin sa kanila.             “Sa guest room ka matulog. Sa dati mong tinutuluyan,” utos ni Paul.             Naiwan silang dalawa sa kwarto na walang imikan. Wala sa karakter niya ang maubusan ng sasabihin ngunit iyon ngayon ang nangyayari sa kanya.             Tumayo na Paul. “Pagkatapos mo rito, umakyat ka sa kwarto ko.”             Napalunok siya, kinakabahan habang nakatingin sa likod ng asawa. Doon niya napansin na ang sexy pala ng likod nito. Lalo na ang pang-upo nito.             Stop it, KM! Hinalikan ka lang naging malandi ka na. “Bakit kaya gusto niyang pumunta ako sa kwarto niya?” mahinang kausap ni KM sa sarili. “’Wag niyang sabihin na gusto niyang ituloy ang nangyari kanina. Hay, KM. Bakit ka kasi pumayag na halikan ka niya. Alam mo namang makamandag ang alindog mo. Ayan tuloy nababaliw na si Paul sa’yo,” nangingiting at nababaliw niyang saad.             Sinabunutan niya ang sarili. “Ano ngayon ang gagawin ko!” Nangalumbaba siya sa dining table. “In fairness sa asawa ko, magaling siya humalik.”             Mabagal niyang inayos ang pinagkainan nila, umaasang nakatulog na si Paul pagkatapos. Ngunit nagkamali siya ng sapantaha.             “What took you so long?” pagalit ng tanong ni Paul na nakahiga sa kama nito, animo isang palay na masarap tukain. Sinaway ni KM ang higad niyang utak.             “Naghugas pa ako ng pinggan.”             “Wow, isang oras kang naghugas ng pinggan?”             “Hindi ko naman alam na inoorasan mo ako, asawa ko. Ganoon mo na ba ako ka-miss?” nakangiti niyang tudyo.             Nagbago ang ekspresyon ng baliw niya asawa. Naging malamlam ang mga titig nito. “And what if I say yes?”             Napalunok siya, hindi niya alam kung ano ang itutugon kay Paul. Hindi niya akalain na papatulan nito ang pang-aasar niya. Madali niya itong maasar ngunit mukhang nag-iba ata ang ihip ngayon ng hangin. Nakatingin pa rin ito sa kanya, nakangisi, hanggang sa tumawa ito.             “Ano’ng nakakatawa?” naaasar niyang tanong.             Tumawa ulit ito bago sumagot. “You. You blush like... nevermind,” anito at tumawa ulit.             “Blush like what?” naaasar na niya tanong kay Paul. Kailan pa ito naging alaskador?             “Wala,” anito, naaaliw             “Ano nga sabi, eh!”             “Wala nga. Ang kulit mo!”             Nangigigil na nagpapapadyak siya. “Okay, punta na ako sa kwarto ko.”             “Dito ka matutulog,” utos nito bago pa man makalabas si KM.             “At bakit? Hindi naman kumukulog at kumikidlat? Hindi ka naman nanginginig sa takot,” nakangisi niyang saad.             He mocked. “Nasa guestroom lang si Mayan, ayokong mag-isip siya ng kakaiba kapag nalaman niyang magkaibang kwarto tayo natutulog,” paliwanag ni Paul.             “Tulog na iyon, hindi na niya malalaman na magkaiba ang kwarto natin,” rason niya.             “I don’t want to take the risk,” pinal nitong sabi.             “Okay, dito na lang ako sa sofa matutulog.”             Bumangon ito, nakatiim-bagang. “Stop being childish!”             Sumusukong lumapit siya sa kama nito, umupo roon. Bakit ba hindi siya komportable na katabing matulog ang kanyang asawa?             Kasi nga may malisya na sa iyo ang bawat galaw ng asawa mo.             May malisya naman na ako noon sa asawa ko, ah. Ano’ng pinagkaiba ngayon? Tanong ng isang bahagi ng isip niya.             Mas matindi ngayon. He awakens your senses in a sensual way. Mas conscious na ang pandinig mo, naririnig mo na nang maigi ang paghinga niya. Mas ramdam mo na ang bawat haplos niya, ang init na nagmumula sa kanya. Mas nakikita mo na ngayon ang galaw ng mga mata niya, pati labi – kung gaano ito kapula – mas napagtutuunan mo na ng pansin ang mga iyon. Ang kamalayan mo ay namulat sa isang mundo na hindi ka sigurado.             “Pwede bang humiga ka na? Ano pa ba ang ginagawa mo at nakaupo ka lang diyan?” abala sa kanya ni Paul.             “Naglalaba ako, kita mo o nagbabanlaw na nga ako,” aniya at iminuwestra ang kamay na tila may nilalabhan. “Ano ba ang problema mo at pati ang paghiga ko pinapakialaman mo?”             “Maaga pa ang pasok ko bukas, at hindi ako makatulog dahil sa kabubuntong-hininga mo,” saad nito saka siya tinalikuran.             Humiga siya, nakatingin sa kisame. Sinubukan niyang magbilang ng tupa sa utak para makatulog ngunit hindi iyon epektibo sa kanya. Narinig niya ang buntong-hininga ni Paul at saka bumalikwas ng higa, nakaharap na rin ito sa kisame.             “Tungkol sa nangyari kanina,” panimula ni Paul.             Namula siya, “Ayokong pag-usapan.”             “Tungkol sa halik,” pagpapatuloy ni Paul.             Tinakpan niya ang dalawang tenga para hindi marinig ang sasabihin ni Paul. “Sampung mga daliri, putol ang isa. Dalawang tenga, dalawang ilong, mata na maganda.”             “You don’t know how to kiss,” he chuckled.             Naputol ang pag-awit niya nang marinig niya iyon. Kumulo ang hasang niya sa sinabi nito. How dare him state the obvious? At pinagtatawanan pa siya nito.             “Hindi pala marunong ah.” Kinuha niya ang kanyang unan at hinampas sa pagmumukha nito. Ginawa niya iyon ng paulit-ulit hanggang sa sanggahin nito iyon.             “Ganito pala ang gusto mo,” ani Paul at tumatawang hinampas din siya ng unan.             Dahil mas malakas ito sa kanya, tumilapon siya sa kama at nagkunwaring nawalan ng malay. “KM, okay ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Paul, ramdam niya ang init ng hininga nito.             Iyon ang hinintay niyang pagkakataon, buong pwersa niyang hinampas sa mukha nito ang unan. Nawalan ito ng balance dahil doon. Panahon naman niya para tumawa. Bumangon ito at gumanti. Wala silang ibang ginawa kundi ang maghampasan ng unan at tumawa nang tumawa. Hindi maubos-ubos ang kanyang tili kapag hahabulin siya ni Paul.             Nang mapagod ay saka sila humiga sa kama, hinahabol ang hininga at tumatawa. Masarap ang maging bata. Masarap sa pakiramdam ang bumalik ulit sa pagkabata. Binalikan niya sa isip ang mga pagkakataon na masaya siya, marami siyang alaala niyon noong kasama pa niya ang kanyang ina. Nawala lamang iyon noong mamatay ito. Sinulyapag niya si Paul na mukhang masaya rin. Hinampas niya ulit ito habang tumatawa. Gumanti ito hanggang sa namalayan na lamang niya na nasa ibabaw na niya ito. Bukod sa bigat nito, ramdam niya ang maiinit nitong kalamnan, ang amoy nitong sumisira sa kanyang diwa. “Teach me,” she said, loving the warmth coming from him. “What?” he asked, his eyes dazzled. “Teach me how to kiss you.” She bravely enveloped her arms to his neck, pulling him closer so she could see his face upclose. “Sure, pero may kabayaran,” anito sa paos na boses. “Ano?” tanong niya. “Ito.” He kissed her again, and this time with tender... and care.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD