Chapter 10: The Ringtone

2678 Words
“Don’t tell me the moon is shining; show me the glint of light on broken glass.” ~ Anton Chekhov PAUL WOKE UP with sudden delight. He smiled thinking about what happened last night. He longed the presence of the woman he embraced insatiably that was why he reached his hand to hug her again. But KM was nowhere to be found. Inilibot niya ang tingin sa kwarto nito ngunit hindi niya ito makita.             Bumalik ng diwa niya sa nangyari kagabi...             Nag-aatubili si Paul kung kakatukin niya si KM. Ayaw niyang bigyan ng pagkakataon ang babae na yurakan na naman ang kanyang dangal, ayaw niyang maging maliit ang tingin nito kanya ngunit wala siyang mapagpipilian.             It’s not that you don’t have a choice. You have. You just want to be with her, pagrarason ng kanyang isip. Nililimi niya ang magiging desisyon kung tutuloy pa siya. Pabalik na siya sa kwarto nang biglang kumulog at isang imahen ang nagbalik sa kanya.             Agad siyang kumatok sa kwarto ni KM. Manghang nawala ng bahagya ang takot niya pagkakita kay KM nang buksan nito ang pinto. Nakataas ang kilay nito at nang-aasar na nakangiti. He chuckled inside; he wanted this wench to teach a lesson by kissing and devouring her. She wanted to play fire but he’ll bet his hands that she didn’t know anything about what she wanted to play.             Deretso na pumasok siya sa kwarto nito at humiga sa kama, loving the warmth and scent of her room.             “There goes the Thunder Boy,” she giggled.             “Dito ako matutulog,” tinatamad na saad niya.             “At kung ayaw ko?” nakataas ang kilay nito.             “You don’t have a choice,” angil niya rito.             “Say please,” she demanded.             He glared at her. “Don’t be childish!”             “Madali akong kausap, dito ka pero sa guest room ako matutulog.” Nagsimula nitong kunin ang unan nito.             “Okay fine!” Nakataas ang kilay na lumingon ito sa kanya. He wanted to wring her neck for being bossy. “Makikitulog ako rito. Please,” aniya sa walang kalatuy-latoy na paraan.             Pinaikot nito ang mga mata. Tumayo siya sa pagkakahiga para habulin si KM. Nakalabas na ito nang hagipin niya ang kamay ni KM. “You’re enjoying this, don’t you? I need to sleep here... with you. Please,” he pleaded.             She smiled victoriously. “Okay, in one condition.”             He gritted his teeth and clenched his hands in annoyance. “What condition?”             “Ten dates. In exchange for letting you sleep... with me.”             That ‘sleep with me’ part of what she said made his body reacted. As if she was insinuating something, and at that moment of time, he wanted to grab her... and kissed her. Ilang pagkakataon na ba na pinangarap niyang halikan si KM?             “Deal,” he said, distracted by his thoughts.             “When I say ten dates, I’ll call the shots here.”             “Okay, now let’s sleep,” aniya at pumasok ulit sa kwarto nito.             Humiga ulit siya sa kama ni KM. Palakas nang palakas ang ulan sa labas. Nakatingin lamang sa kanya si KM. Looking at her, he tapped the other side of the bed.               “What?” anito. “Hindi pa ako tapos magsuklay, mag-apply ng cream sa mukha ko---“             “Dammit! Pwede bang sa ibang araw mo na gawin iyan? Let’s sleep,” he said irritatedly.             Tumawa ang walanghiya at humiga sa tabi niya. He was overwhelmed by her scent; it smelled security for him, his redemption.             “Hug me,” he demanded.             She raised her brow.             He surrendered, “Please.”             She smiled, and that smile came from her heart, soulful – if there was a smile like that. She hugged him and he was secured. There will be no sleepless nights for him if his paranoia will assault him, only safe and sound, sheltered in the hours of darkness... ~~o~~ MABILIS NA NALIGO at nagbihis si Paul. Pagbaba niya ay naulinigan niyang kumakanta si KM.             “Meron bang makapagsasabing iniisip kita. At meron bang may alam na laging hinahanap ka, kung ako naman ay iiwas malalaman mo ba... na ako ay may lihim na pagsinta.”             He was stunned, he didn’t know she had a beautiful voice, charming and soothing to his bones. Then he remembered her singing him lullabies last night, the way she resonated her voice made him stir with happiness.  Pagpasok niya sa dining area ay nanlaki ang mata niya sa nakita.             “May fiesta ba sa dami ng hinanda mo?” gulat na tanong niya.             Lumingon ito sa kanya at ngumiti. Bumaba ang araw mula sa langit dahil doon. “Mahalaga ang araw na ito para sa atin.”             “Ano’ng okasyon?” clueless niyang tanong.             May sayang pumunta ito sa refrigerator at may kinuha ito roon. “Happy 9th monthsary, asawa ko!” anito habang hawak nito ang cake na may dedication na kagaya ng sinabi nito.             Inilibot niya ang paningin sa ginawa nito. Nasa sampung putahe ang niluto nito. Ilang oras na ba itong nagluluto? Ganoon ba ka-importante para rito ang siyam na buwan na pagsasama nila para mag-effort ito ng ganoon? Hinaplos ng kamay nito ang puso niya.             Beware. Akala ko ba iiwanan mo rin siya? anang isang boses sa utak niya na agad niyang pinatay, itinago sa pinakasulok ng kanyang alaala.             “Hindi mo gusto?” may lumbay na tanong ni KM.             “Hindi iyon, sana hindi ka na nag-abala pa.”             “Abala ba ito? Celebration ang tawag dito, asawa ko,” anito saka kinurot ang kanyang pisngi.             Siyam na buwan na pala ang nakalipas sa kanilang dalawa. Ganoon na ba kabilis ang araw at hindi man lang niya iyon namalayan? Siyam na buwan na pala nitong kinukurot ang pisngi niya? Siyam na buwan na rin niyang inaangilan ito at sinasabihan ng, ‘Stupid.’ Siyam na buwan na siyang sanay sa presensiya nito.             “Sa susunod itong nine months na ito magiging nine years na,” masaya nitong saad.             Speechless siya, dapat ba niyang paunlakan ang masaya nitong pangitain sa magiging relasyon nila? Walang nine years, hindi iyon mangyayari, KM, iyon ang gusto niyang sabihin pero nanatili siyang tahimik. Isipin pa lamang niya ang pag-iyak nito noong dumalaw sila sa tatay nito, dinudurog na ang puso niya. “I am your redeemer, I am your moon.”             Tinitigan niya si KM. Ang ganda nito, ang ngiti nito, ang pagkatao nito ay parang sinag ng buwan. May misteryo, may lungkot, ngunit may kung anong ginhawa ang hatid ng sinag nito, parang naipong muli ang pira-pirasong pagkatao niya at binalik nito iyon sa dati.             “Naku, gandang-ganda ka na naman sa akin,” anitong kinindatan siya.             He grinned. One of the best things about her was her sense of humour. May mga pagkakataon na kapag mag-isa siya, susulpot lang sa isip niya ang mga pinaggagawa nito, tumatawa siyang mag-isa.             “Oh, siya, kain ka na at baka ma-late ka pa. Itong baon at lunchbox mo, ‘wag mong kalimutan. Drink your milk na, baby at mamaya nandiyan na ang school bus mo,” humahagikgik na sabi nito.             He obliged to play the game. Niliitan niya ang boses na parang duwende. “Pero, mommy ibang gatas ang gusto kong inumin.”             “Paul!” nanlalaki ang mga matang saad nito. She was blushing.             Tumawa siya at nakisabay din ang babaeng pilya. Nahiling niyang sana may nakatagong camera sa isang sulok, kinukuha ang ‘moment’ nila dahil para silang baliw na tumatawa. Nang mapagod, saka lang sila kumain.             “I gotta go.” Tumayo na siya at paalis na nang tawagin siya ni KM.             “May nakalimutan ka.”             Kumunot ang noo niya, nagtatanong na tinignan niya ito.             “Ito.” Tumingkayad ito ang binigyan siya ng halik sa pisngi.             Pumaitaas ang dugo sa kanyang mukha ng maramdaman niya ang mabini at mainit nitong halik. He was stunned, and he wanted to throw his briefcase away and kissed her until they ran out of breath.             “Okay,” iyon lang ang nasabi niya.             “Keep safe!” pahabol nito. “Happy ninth monthsary ulit, asawa ko. Do not forget you owe me ten dates.”             He smiled at her. Inside the car and on the way to Tropical Orient, he was grinning. Hell yeah, he was smiling and grinning and laughing like an idiot. ~~o~~ “GOOD MORNING, SIR,” bati sa kanya ng mga nakangiting empleyado niya sa Tropical Orient Hotel and Restaurant na ginantihan niya. Napatulala ang mga ito sa kanya at napahagikgik.             “May problema ba, Jade? Nestlyn?” tanong niya sa mga nakatoka sa information desk.             “Wala po, Sir. A-ang saya niyo lang pong t-tignan ngayon,” nauutal na saad ni Jade.             “Oo nga po, Sir,” dagdag ni Nestlyn.             “Okay,” aniya at ngumiti sa mga ito. “Back to work.” Iyon ang at tumalikod na siya saka tinungo ang elevator.             “Grabe, ang gwapo talaga ni Sir. Nakita mo kung gaano kagwapo ‘yong ngiti niya? Artistahin!” naririnig niyang usal ni Nestlyn. Nagtitilian pa ang dalawa. The building was built with classy and modern architecture. Mayroon itong tatlumpung palapag. Ang una at pangalawang palapag ay ang restaurant, ang sumunod na dalawang palapag naman ay ginagamit for conventions, seminars, wedding receptions. Para sa administrasyon naman ang 28th at 29th floor, penthouse niya ang huling palapag. Ang natitira ay para sa hotel services na. Nasa 29th floor ang kanyang office kung saan tanaw niya ang kabuuan ng Makati, ang mga sasakyang nagdaraan, at pagsikat at paglubog ng araw. Naging constant hobby na niya ang pag-o-obserba sa mga nasa paligid niya. Understanding the human behavoir was one thing he couldn’t fully grasp. But he was good at it, analyzing them, unspooling their brains and knowing what they were thinking. “Good morning, Sir,” said by Zerlene – his most efficient secretary so far. “Good morning, Zerlene,” aniya. Tumaas ang kilay nito. Nasa mid-forties ang edad nito, wala pang asawa at ibinigay na ang oras sa trabaho nito. Kaya naman, bukod sa bilib siya rito, lubos ang respeto niya para kay Zerlene. She could say what she wanted to him. It was like having a secretary and mother to his office. Yes, in a way, he was his mother he never had. “What?” he asked. “May kakaiba sa iyo,” anito at kinalatis siya pa parang bumibili lang ito ng isda sa palengke. He laughed. “Ano ang kakaiba sa akin?” Umiling-iling ito saka ngumiti. “Kung ano o sino man ang dahilan kung bakit ka masaya, masaya ako para sa’yo, Paul.” Kumunot ang noo niya. Masyado ba siyang transparent na kahit ang mga tao sa paligid niya ay napapansin iyon? Ganoon na ba siya kaseryoso para magulat ang mga ito? Matagal na ba siyang hindi ngumingiti? “Anyway, may special meeting ka mamayang alas-nuwebe kasama ang head ng bawat department, at mamayang hapon presentation of proposal kay Mr. Kelvin Magday sa La Olegario, 3 PM iyon.” “Okay,” aniya at tumango rito, nasa isip pa rin ang sinabi nitong pagbabago sa kanya. Binabago ba siya ni KM? O siya ang kusang nagbabago para sa babae? Pero sa loob-loob niya, hindi niya maitatangging masaya siya.             Tinignan niya ang relo, malapit nang mag-a-alas-nuwebe kaya naman naghanda na siya para sa meeting nila.             “Totoo nga ang sabi nilang kakaiba ka ngayon, pare.”             Nag-angat siya ng tingin. Nakahalukipkip sa hamba ng pintuan papasok sa kanyang office ang kaibigan at Head ng Marketing department na si Michael Alberto de Guia. Napakunot-noo siya, paanong nakapasok ito na hindi niya namamalayan?             “Hindi mo ako nakitang pumasok kasi abala ka sa sarili mong mundo habang kumakanta ka ng, ‘Meron bang makapagsasabing iniisip kita,’” anitong mukhang nabasa ang kanyang iniisip. Ginaya nito ang kanyang pagkanta, pati boses niya ginaya nito.             “Ano’ng pinagsasabi mo?” aniya, gustong batuhin ang malapad nitong ngiti sa labi. Naguluhan siya, hindi niya alam na kumakanta siya. Ano ang nangyayari sa kanya?             “Man, you’re sick. Ang baduy mo! ‘Wag nang idagdag na masamang pakinggan ang boses mo!”             Humalakhak ito ng malakas. Namumula naman siya sa inis. “Ano ang masama sa pagkanta?”             “Wala, pare. Pero sa isang kagayang mong hindi ko pa nakita at narinig na kumanta, meron. Wala sa karakter mo ang kumanta nang ganoon. Unless kung tinamaan ka na.”             “Tinamaan ng alin?”             “Tinamaan ni Kupido. Na-inlove. Kumanta at laging tulala.”             Ngumisi siya. “Para sa babaerong kagaya mo, hindi ako makapaniwalang naniniwala ka sa mga ganyang bagay.”             Tumawa ito, punong- puno ng buhay at saya. Ngunit walang tatalo sa tawa ni KM.             KM na naman! He cursed himself silently. Why she couldn’t get off his mind?             “Masaya naman ako sa’yo, pare kung mahal  mo na ang asawa mo. Ibig bang sabihin niyan, hindi na tuloy ang plano natin?”             Tatanungin sana niya ito kung anong plano ang pinagsasabi nito nang maalala niya kung anong plano iyon. Bigla siyang naumil. Pakiramdam niya nalunok siya ang dila na may kasamang maraming sili at dumeretso iyon sa kanyang puso. Bakit siya nasasaktan? Masaya siya kay, KM, oo pero hindi nangangahulugan iyon na mahal niya ang babae. May nagmamay-ari na sa kanyang puso.             “Oo, tuloy.” Iyon na siguro ang pinakamahrap na salitang binigkas niya. Bumikig iyon sa kanyang lalamunan ngunit iyon ay kanyang tinikis. Pinilit niyang iwaglit si KM at ang sinabi ni Michael ngunit hindi siya nagtagumpay.             Nasa board meeting na siya ay iyon pa rin ang kanyang problema. Nakatutuwang isipin na prinoproblema niya si KM ngunit ang ngiti at pang-aasar lang nito ang solusyon para mawala ang problema niya. How ironic. Napangiti siya nang mapakla sa naisip.             “Hindi ko hinihingi na agad-agad mo akong matatanggap. Kahit pakonti-konti lang. Kahit... k-kahit, kainin mo lang ang mga niluluto ko sa’yo, kahit tikman mo lang ito sa sabihing, ‘masarap.’ Sapat na sa akin iyon, Paul. Kahit hindi mo na sabihing maganda ako at ang damit ko, o sexy ako at maganda ang mga mata ko. Okay lang, basta iparamdam mo lang sa akin na may pag-asa tayo.”             Bigla iyong sumulpot sa kanyang alaala at naramdaman niyang may humaplos sa kanyang puso. Paano ba niya aalisin sa kanyang isip si KM kung ngiti pa lamang nito, natutulala na siya? Kung nakakahawa ang mga tawa nito? Kung gustong-gusto niyang tinitignan siya ng may paglambong ng mga mata nito? Kung paanong nagugulat siya sa pagiging inosente nito ngunit pilya ito sa maraming bagay? Paano niya makakalimutan ang Winnie the Pooh nitong underwear?             Yumuko siya para itago ang lihim niyang pagtawa.             Naputol lamang iyon nang tanungin siya ng presentor na si Mr. Marvin Martin, ang head ng operations, kung ayos ba ang pagbabago na naisip nito sa department nito. Nakatingin sa kanya ang lahat ng head ng bawat department.             “Oo, that’s good. Bravo,” aniya.             Napadako ang tingin niya kay Michael at umiiling-iling ito habang tumatawa. Pati ang ibang head ay nakangiti rin.             “May problema---. “ Naputol ang sasabihin niya nang may marinig siyang ring tone ng cellphone. Malakas iyon. “Kaninong cellphone iyon? Hindi ba’t alam naman ninyong bawal ang cellphone kapag board meeting natin?”             “S-sir, sa inyo po ata iyon,” ani Thara, ang head ng finance department na nakaupo sa kanan niya.             He felt his muscles became rigid. Inilabas niya iyon sa kanyang coat, ang mas lalong lumakas ang ringtone ng kanyang cellphone. Nahiling niyang sana bumuka ang lupa at lamunin siya kasama ang cellphone niya at ang boses ni KM na naging ringtone niya.             “Asawa koooo, may nag-te-text sa iyo! Asaawwaa kooo, may nag-te-text sa’yooo!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD