Chapter 9: Best Day of Her Life

2025 Words
“When I admire the wonders of a sunset or the beauty of the moon, my soul expands in the worship of the creator.” ~Mahatma Gandhi “NGAYON KA PA ba susuko? Nakalayo na tayo.” Iyon ang sinabi sa kanya ng kaibigan niyang si Izza noong nasa pangatlong taon sila ng kolehiyo, iyon ‘yong panahon na hindi na nila kasama si Jacel. Hirap na hirap siya noon sa major nilang Accounting at gusto na niyang mag-quit.             Kagabi ay gusto na rin niyang sumuko, napag-isipan niyang kausapin ang ama na tulungan siyang ipawalang-bisa ang kasal nila ni Paul. Ngunit kapag naaalala niya ang mga titig na Paul nang araw na magising sila, ang mga titig na animo humihingi ng tulong sa kanya, nabubuhayan ulit siya ng lakas na ipagpatuloy ang relasyon nila.             Besides, when she had planned to lure him in this relationship, she acknowledged and took all the risks inherent to her actions. At isa na ang nangyari kagabi sa risk na nilunok niya.             May pagkakamali din naman siya, nakalimutan niya ang Principle of Prudence. No pain, no gain. Don’t count the egg as chick until it is hatch.             Weekend iyon kaya naman walang pasok ang kanyang asawa. Paggising niya kinaumagahan, nagluto siya at mag-isang kumain. Umakyat siya pagkatapos dahil ayaw niyang makita at kibuin ang kanyang asawa.             Kahit nang tawagin siya nito paalis ay kibuin-dili niya ang asawa, nakatingin lamang isya sa labas kahit madilim na. Pasado alas-otso nang makarating sila sa paroroonan.             Inilibot niya ang paningin sa bahay nila. Halos isang buwan din siyang nawala. Wala naman pinagbago iyon. Marangya pa rin gaya ng dati, estranghero pa rin ang pakiramdam niya habang papasok siya sa naging tirahan niya sa loob ng labing limang taon.  Naroon pa rin ang kaba, ang takot na naipon sa dami ng rejections na naranasan niya sa pamilya niya. Ang kapatid niya ang unang sumalubong sa kanila na tila sasali sa Miss Universe sa gara ng suot at make-up. Biglang nangati ang kanyang kamay na isampal dito ang kanyang cellphone. “Oh, hi, Paul!”  Nakangiting sinalubong ni Daneia ang kanyang asawa at mahigpit nitong niyakap si Paul na malugod at nakangiti namang tinanggap ng kanyang asawa. Hindi pa man siya nagtatagal sa bahay na iyon ay nag-iinit na siya. Sa sobrang init ng ulo niya sa nasaksihang eksena ay baka masunog niya ang bahay nila. “Pa! Nandito na si Paul,” dagdag ni Daniea na parang hindi siya nag-e-exist. Ang sarap nitong kalbuhin. “Ate,” masayang saad ni Daneia at nakangiti itong tila demonyo na lumapit sa kanya. “Mabuti naman at nakarating ka, ate.” Niyakap siya nito at hinalikan sa dalawang pisngi. Biglang bumalik sa isip niya ang larawan nito at ni Paul. Nanggigigil siya. Gusto sana niyang tanggalin ang kamay ng ahas ngunit nakatingin ang kanyang asawa sa kanilang dalawa. It’s nice to burn you alive, little sister. That was what she wanted to say. “It’s nice to see you again, little sister.” “That’s nice to hear. Because you know, I miss you. Malungkot ang bahay kapag wala ka.” She smirked. At nasisiguro niyang siya lang ang nakakakita niyon. I miss picturing you in my mind, scratching that smile in your face. ”I miss you too, little sister. Walang araw na hindi kita inisip. Lalo na kagabi, napanaginipan kita, kapatid.” “Sana magandang panaginip iyan at hindi ka binangungot, ate.” “Actually may kasama ka sa panaginip ko. Masayang-masaya kayo ni Robert sa panaginip ko.” Nawala ang ngiti nito pagkabanggit sa ex-boyfriend nito. Nagbunyi siya. Sa loob-loob niya, nagdiriwang siya ng New Year’s Eve sa dami ng fireworks sa kanyang katawan. In a split on second, she saw hatred in her eyes. Niloko nito si Robert, pati pera ng lalaki pinakialaman hanggang sa naging stalker ito ng manggagamit niyang kapatid. Pinaniwala ni Daniea ang kanyang ama na may sayad sa utak si Robert kaya naman pinagbawalan ang binata na makita si Daneia, hindi nila alam na ma-impluwensya ang pamilya ni Robert at dinemanda si Daneia. Walang choice ang kanyang ama kundi areglohin ang gusot ni Daneia. Dahil kung hindi masisira ang napakaganda nitong pangalan. Ganoon nito kamahal ang babaeng ito na gusto niyang pakuluan ng mainit na tubig para mawala ang kati nito sa katawan. Limang minuto pa lamang ang nakakaraan, KM, ngunti nakaisip ka na ng limang paraan kung paano patayin ang kapatid mo. Great. That is so sweet of you. “Oh, nandito na pala kayo,” biglang sulpot ng kanyang ama at ang asawa nitong si Marijoe. Nakipagkamay ito sa kanyang asawa at saka niyakap. Bumaling ang ama sa kanya. “Kristine Marie, look at you now. Beautiful as ever. Na-miss kita, anak.” Iyon lang at niyakap siya ng mahigpit ng ama. Para nitong hinaplos ang kanyang puso sa ginawa nito. At wala na siyang pakialam kung totoo iyon o pakitang tao lamang. Dahil iyon lang ang pagkakataon na niyakap siya ng ama. Kung noon pa ba nito iyon ginawa, magagalit pa kaya siya rito at kay Daneia? Kung um-attend ba ito ng recital niya, mawawala ba ang hinanakit niya rito? Mas maiintindihan ba niya si Daneia gaya ng pag-intindi ni Mara kay Clara? Kung naging mabuti ba itong ama, magagawa ba niyang pikutin ang kanyang asawa? Iwinaglit niya ang mga kaisipan na iyon sa kanyang diwa. That was her action alone. And she was taking full responsibility of it. Walang saysay ang sisihin niya ang kanyang amang si Albin. “I know we all have lot of things to patch up but why not talk it over dinner?” ani Daneia at nauuna nang pumunta sa dining table. Ipinaghila siya ng upuan ni Paul at pansin niyang nakatitig si Daneia kaya naman buong tamis niyang nginitian ang kanyang asawa. “Thank you, asawa ko.” She touched his cheek as she said that, loving the warmt coming form it. He smiled. He seemed to understand her charade. “Asawa ko?” ani Daneia na pinaikot ang mga mata. “Ang cheap naman ng tawagan ninyo.” At tumawa ito ng aral na tawa. Sa iba iisipin nila na nangloloko lamang si Daneia, ngunit kilala niya ang kapatid. “Yes. And I find it sweet,” aniya at ngumiti kay Paul. “Hayaan mo na kung ano ang tawagan nila,” natatawang sabi ng kanyang Papa Albin. “Kung iyon ang paraan nila para i-express ang pagmamahal nila, so be it. ‘Di ba, love?” Nakangiting binalingan nito ang asawang si Marijoe, na natatawang tinampal naman nito ang kanyang Papa. “Urgh! Lovers,” umiling-iling si Daneia. “By the way, tinulungan ko ang Mama na magluto. Puro paborito mo ang niluto namin ate.”             So dapat pala akong mag-ingat at baka may lason ang pagkain. “That’s so kind of you, little sister. Thank you,” pakikipag-plastic niya sa kapatid.              “All the best for you,” anito, nakangisi sa kanya. “Siya nga pala, Paul salamat sa paghatid sa akin kagabi.”             That statement stunned her, killed her as if her words were knife stabbing her heart. It was her scheme after all, inviting them for dinner and making her looked like a fool. And she succeeded. She was hurting.             The conversation came in a blurry moment. Naging maulap iyon sa kanya at naging mahirap ang paglunok niya sa pagkain. Hindi na niya masundan ang pinag-uusapan nila. Kaya naman nagulat siya dahil may tinatanong pala sa kanya ang kanyang asawa.             “Are you okay?” tanong ni Paul.             Kung sa ibang pagkakataon matutuwa siya sa concern na pinapakita nito, ngunit alam niyang palabas lamang iyon. Kaya naman nagpaalam muna siyang papanhik sa kanyang kwarto pagkatapos nilang kumain. Mag-uusap naman ang kanyang Papa at si Paul.              Humiga siya sa kanyang kama at nagmuni-muni. Hanggang sa maidlip siya ng ilang minuto. Bumaba siya para hanapin ang kanyang asawa. Naulinigan niya ang boses ng kanyang Papa sa library nila ngunit hindi siya tumuloy sa nakaawang na pinto dahil siya ang pinag-uusapan ng mga ito.             “KM grew up... differently. She casts us out like she doesn’t need us. She’s stubborn and won’t listen to me. Kasalanan ko rin, hinayaan kong palakihin siya ng kanyang ina,”             Kinuyom ni KM ang mga palad, nagtitimping sugurin ang ama at sabihin ditong walang kasalanan ang kanyang ina, at kung may kasalanan sa dalawa, ito ang nararapat sisihin.             “Pa, ‘wag mong sisihin ang sarili mo. Don’t get me wrong, Paul, pero normal lang iyon sa mga... bastarso’t bastarda. Gusto nilang nasa kanila ang atensiyon, kahit nakakasira na ito sa kanila. Sobra na ang ginawa kong effort para mag-reach out sa kanya, ngunit wala pa rin. Bastards, they are hard to handle with,” sabi Daneia.             Gusto niya magalit, magwala ngunit wala siyang magawa. Ano’ng karapatan ng mga ito na siraan siya kay Paul. How dare them do that to her? Tulala siya, nakapako ang paa sa kinatatayuan.             “Sorry, Paul. Kung naagapan ko lang sana ang plinaplano niya, sana masaya na kayo ngayon ni Daneia, sana hindi ka nalagay ngayon sa posisyong meron ka. She didn’t even say sorry to her sister. Kung sana naturuan ko lang ng tamang asal ang bastar---“             “Stop,” putol ni Paul sa sinasabi ng ama. “I expect more from you, Albin. Hearing you talking about KM disappoints me. She has a name. Bastard isn’t her name. And you forgot that she is my wife!”             He stormed out from the library. Nagulat ito nang makita siya, gaya rin iyon ng pagkagulat niya sa pagtatanggol nito sa kanya.             “Let’s go,” he said and did what she wasn’t expecting             Hinawakan nito ng mahigpit ang kanyang kamay at ang puso niyang namamatay ay biglang nabuhay, nagsimula iyong pumuno sa kanyang dibdib hanggang ang buong sistema niya ay punong-puno ng mangha at lito sa ginawa nitong pagtatanggol sa kanya.             Hanggang ang init na haplos nito ay napuno sa kanyang lalamunan at hindi niya mapigilan ang mga luha. At hindi lang iyak ang ginawa niya pagkasakay sa sasakyan nito. Humagulgol siya ng may kasamang palahaw na iyak, tila ninakawan siya ng kendi.             Hinagod nito ang likod niya. “Yes, you’re a bastard. Accept it. Embrace it, KM. It will make you more stronger than you ever imagined. It’s the greatest gift we have, to accept what we are and bear the pain without breaking.”             Manghang napatingin siya sa asawa, pakiramdam niya ibang tao ang nasa harapan niya.             “S-salamat,” aniya at humagulgol ulit. “Pahiram ng panyo mo.”             Suminga siya nang suminga pagkaabot nito sa kanya ng panyo. Wala na siyang pakialam kung masira ang ganda at poise niya.             “Okay ka na?” tanong nito.             “Oo,” aniya at pinahid ang mga luha.             “Bakit ka pa humahagulgol?” tanong ni Paul na may lambong sa mga mata.             Sumisinok na sinagot niya ito. “K-kasi... first t-time mong ha..hawakan ang kamay ko. Umiiyak ako sa saya.”             He chuckled at first, and then came his roar of laughter – whole, tickling, firm, and addictive. Enthralled by his laughter, she looked at him. She was mystified by his action, by his concern, and by his optimism. Was she dreaming?             “Bakit ka tumatawa?”             “Because aside from the fact that you amused me, you amazed me too... wife.” And he did what she did to him – he pinched her cheek.             Her heart erratic             Her cheeks blushing             Her breath heaving              As if in a roller-coaster ride, KM was trapped in the limbo of happiness. And her head was singing, I'm never gonna look back, Whoa-Oh Never gonna give it up, No-Oh Please don't wake me now (Ooh, Ooh-Ooh, Ooh) This is gonna be the best day of my life (Ooh, Ooh-Ooh, Ooh) My li-i-i-i-i-i-ife (Ooh, Ooh-Ooh, Ooh) This is gonna be the best day of my life (Ooh, Ooh-Ooh, Ooh) My li-i-i-i-i-i-ife
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD