“I think I have a dark view of the world. I have to make everything funny, otherwise it all seems so sad.”
~Anonymous
NAGMULAT NG MATA si Paul. Ang pagal at takot na nagdaan sa kanya kagabi ay milagrong hindi niya maramdaman ngayon. Kadalasan nang hindi maganda ang pakiramdam niya kapag bagong gising siya galing sa mahabang pakikipaglaban sa kanyang bangungot. Ngunit iba ngayong araw na ito.
Tila may dalawang kamay ang kumuha sa kadena na nakakabit sa kanyang puso.
Para siyang bagong panganak, nagdidiwang sa nakagisnang liwanag.
Ibinaling ni Paul Angelo ang paningin sa kanyang katabi na nakayakap sa kanya. Bumalik sa kanyang alaala ang mga nangyari kagabi, ang pagyakap nito sa kanyang nanginginig na kalamnan, ang mga haplos nito sa kanyang katawan, at ang mahimbing nitong pag-awit na tila pumapawi sa mga pangit niyang karanasan.
Salamat, iyon ang gusto niyang sabihin ngunit nakulong lamang iyon sa kanyang lalamunan nang mapagmasdan niya ang mahimbing na pagtulog ng kanyang asawa.
Napakaganda nito. At gusto niya itong hawakan, gantihan ang kabutihang ginawa nito sa kanya kagabi. Gamit ang kaliwang kamay, marahan niyang hinaplos ang pisngi nito na kasing lambot ng bulak, ang talukap ng mga mata nito na parang sa kerubin, ang ilong, at ang labi nito na animo nag-aanyaya ng isang marubdob na halik.
Salamat, iyon ang gusto niyang sabihin.
Ngunit bigla nitong imunulat ang mga mata. Huli na para magkunwari siyang natutulog dahil umangat na ang ulo nito para tignan siya.
“Good morning,” she said in a rasping voice. She smiled sweetly that all will be enchanted with that gesture. His heart fluttered, right there and then he wanted to kiss her. Sinasaad ng puso niya gumanti ng ngiti rito, na halikan ito, ngunit nagbigay ng babala ang kanyang utak. Tila iyon batang nagtatampo dahil hindi niya pinapansin ang sinasabi nitong, Warning! Warning! Warning!
“Maayos na ang pakiramdam mo?” nakakunot-noo na tanong ni KM.
Tumango siya, natatakot na ipagkanulo siya ng kanyang bibig kapag nagsalita siya. Hindi siya sanay na pakitunguhan ng maayos ang babaeng pumikot sa kanya.
“Kinain na rin bang kidlat ang dila mo para hindi makapagsalita?” nangloloko akusa nito at mahigpit na niyakap siya.
His body stiffened. He could feel her body molding into his. And she was so damn soft. So damn alluring. And she smelled like... heaven. He wanted her. But he shouldn’t want her.
“Ikaw ang kakainin ko kapag hindi ka tumigil,” banta niya sabay tanggal sa kamy nitong nakapulupot sa kanya.
Nanlaki ang mga mata nito, umawang ang mga labi nito at inilagay doon ang mga kamay. Doon niya napagtanto ang kanyang sinabi.
f**k. Why did I tell her that?
“I... I m-mean-“
Naputol ang kanyang sasabihin sa malakas na pagtawa nito. Iyon ang gusto at ayaw niya sa babae. Parang musika sa kanyang pandinig ang tawa nito, may buhay. Ngunit ayaw din niyang pinagmumukha siya nitong batang walang muwang, na parang walang silbi ang galit at inis niya rito, hindi ito tinatablan niyon.
“Sabi ko na nga ba’t may gusto ka na sa akin,” anito sabaya kindat sa kanya.
Ngumisi siya, inilapit ang mukha sa babae “In. Your. Dreams.”
Nagkibit balikat ito at ngumiti. “Pasasaan ba’t mahuhulog ka rin sa karisma ko.”
“We’ll see,” aniya isang dangkal ang layo ng kanilang mukha.
“They call you ‘The Wolf’ and I am your redeemer, I am your moon. Gaya nang lobo sa hindi maipaliwanag na pangangailangan nito ng presensya ng buwan, kailangan mo ako para magpawi sa mga takot mo sa kulog at kidlat.”
There was so much depth and emotions in her voice that made him stunned. Moments had passed yet their eyes locked with each other, communicating... connecting.
Pinutol ni KM ang koneksiyon nila. Umupo ito sa kama nito at nag-inat. “M-magluluto lamang ako ng breakfast natin.” Ngumiti ito sa kanya at mabilis na nilisan ang kwarto nito.
Bumuntong-hininga siya, umiling-iling at nakangiting tinignan ang pintuan na nilabasan ni KM.
“Salamat,” iyon ang gusto niyang sabihin kay KM.
~~o~~
SUMANDAL SA PINTO si KM. Pinanghihinaan siya ng tuhod, tila naubos ang kanyang enerhiya sa titigan nilang iyon ng kanyang asawa. Mabilis ang t***k ng kanyang puso.
Pinakawalan niya ang pinipigil na hininga. The moment they stared at each other, the world stopped from revolving. All that mattered were just them, his eyes. His eyes that talked with thousands of emotions. She was penetrating his whole being with his expressive eyes. She unveiled his mask so deep... deep... deep.
Puno ng pasasalamat ang kanyang puso sa nangyayari sa kanila ng kanyang asawa. Napangiti siya sa nangyari kagabi habang nagluluto ng agahan nila ng kanyang asawa. Umaawit siya kasama ang kanyang pusong nagmamahal.
Nakabihis na ang kanyang asawa nang bumaba ito. Nagulat siya nang maghila ito ng upuan. Iyon ang unang pagkakataon na kakain ito ng breakfast.
Mukha maganda ang dulot ng kidlat sa asawa ko. Napangiti siya sa naisip. Kaya naman hindi siya magkandaugaga sa pagsisilbi sa kanyang asawa.
“I can manage myself,” he said.
“Gusto kong pagsilbihan ang asawa ko,” nakangiting saad niya.
“Hindi ako inutil.”
“Wala namang may sabi sa’yo na inutil ka. You’re far from being that,” aniya sabay kurot sa pisngi nito.
Nagsalubong ang mga kilay nito ngunit tinawanan lamang niya ito.
“You’re really cute,” dagdag niya sa kanyang asawa.
Umiling ito. “Let’s eat.”
Ayaw niyang mawala ang appetite ng kanyang asawa kaya tumahimik na lamang siya. Masaya na siya na makakasalo sa agahan si Paul. She savoured and treasured the moment being with him. He made her appreciate her worth.
“Pasok na ako,” ani Paul na parang sandalo sa bilis nitong kumain. Agad nitong kinuha ang briefcase nito. Pupungas-pungas na hinabol niya ang kanyang asawa. Pasakay na ito nang sasakyan nito.
“Asawa ko!” malakas na tawag niya rito.
Lumingon si Paul sa kanya, nakakunot-noo. How can he be so gorgeous with that look?
“May nakalimutan ka.”
“Ano iyon?”
“’Yong kiss ko?”
Ngumisi ito ngunit pansin niya ang saya sa mga mata nito. That melted her heart. She kissed her hand and blew it to him. He played the game by catching the kiss but he blew it away in a seductive manner. He blinked at her afterwards and hopped in to his car.
She laughed heartily and she said, “Mag-ingat ka, asawa ko! Magdala ka ng payong baka kumidlat.”
Iyon na siguro ang pinakamasayang araw ni KM. Walang pagsidlan ang kasiyahan sa kanya, bukod sa nag-uumapaw niyang ganda, mukhang biniyayaan din siya ng magandang disposisyon sa buhay.
Nagtuloy-tuloy ang kasiyahan niyang iyon. Hindi maubos-ubos ang saya at lakas niya kahit nakapaglaba na siya, at nalinis ang buong bahay. Papasok lang sa isip niya ang mga maskuladong braso ni Paul na nakapulupot sa kanyang katawan, lumalakas na siya.
Nakapagluto na siya ng dinner nila ni Paul. Nanood muna siya para hintayin ang kanyang asawa ngunit sumapit na ng alas-diyes ng gabi pero wala pa rin ang kanyang asawa.
Baka nag-overtime ang asawa mo, KM. Disappointed na tumayo siya para iligpit ang hapag-kainan. Iyon ang hindi niya maintindihan sa asawa. Ito naman ang may-ari sa pinapalakad nitong kompanya, bakit kailangan pa nitong mag-overtime?
Nailigpit na niya ang hapunan nila ng pumailanlang ang awit ni Beyonce na Halo, tanda na may nag-text sa kanya. Napataas ang kilay niya nang makita na galing iyon kay Daneia. At nanlaki ang mga mata niya nang makita ang larawan na ipinadala nito sa kanya.
Magkasama ito at ang kanyang asawa. Nakangiti pa ang dalawa habang nagselfie, ni hindi siya kayang nginitian nang ganoon ni Paul. Matao sa background at may alak sa lamesa ng mga ito kaya malamang ay nasa isang club sila.
Sigurado siyang ngayong gabi iyon dahil ang suot ni Paul sa larawan ay ang suot din nito kanina. Tumayo siya at hindi mapakali, magkahalong sakit at galit ang nararamdaman niya ngayon.
Mukhang gumalaw na ang malanding kapatid niya. Well, expect it from her sister to do all things that will destroy her. Imagining her and Paul kissing made her heart shattered into pieces.
”Calm down, Kristine Marie. Inhale, exhale. Inhale – hindi! Kapag hinawakan mo ni dulo ng daliri ng asawa ko Daneia, makikita mo. Makikita mong babae ka! Urgh!”
Nanggigigil na palakad-lakad siya. At hindi niya alam kung ilang oras na niyang ginagawa iyon. Hindi siya mapakali.
Hanggang sa marinig niya ang ugong ng sasakyan ng kanyang asawa.
Calm down, KM. Play it as cool as you are. Ayaw ng mga lalaki ng nagger na asawa.
“Saan ka galing?” may akusasyon sa tinig niya pagpasok na pagpasok ni Paul.
Oh, you’re doomed, KM! Idiot.
Nagsalubong ang mga kilay nito. Umupo ito sa sofa at sinumulan nitong tanggalin ang sapatos nito. “Bakit gising ka pa?” paos na saad nito. Halatang nakainom.
Unang palatandaan kung niloloko ka ng asawa mo, sasagutin niya ng tanong ang mga tanong mo.
“Nakainom ka. Bakit ka uminom? Sino ang kasama mo?” pang-aakusa niya na kung makatanong ay dinaig pa niya si Detective Conan.
Huminto ito sa ginagawa at tumingin sa kanya.
She cringed at the look in his face. Dangerous. Calculating.
“Ano ngayon sa’yo kung uminom ako? It’s none of your business,” angal nito.
But she pushed her luck. “Buong gabi akong naghintay sa’yo. Nag-aalala ako kung ano na ang nangyari sa’yo tapos malalaman ko lang na nagpakasaya ka kasama ng kung sino-sinong babae riyan!”
“Walang may sabing hintayin mo ako!” asik nito.
:”Asawa mo ako, karapatan kong malaman kung saan ka nagpupunta at mga pinaggagawa mo.”
Tumayo si Paul at inilang hakbang nito at espasyo na nakapagitan sa kanila. “That’s how it goes. Asawa lang kita. You are not even my wife in the real sense of the word. You think cooking and serving me for breakfast and dinner, cleaning the house, and waiting for me will erase what you did? No. Hindi pa rin maalis sa isip ko na pinikot mo ako at pinagsiksikan ang sarili mo sa akin.Try harder because nagging me will not help you work out this marriage.”
Nanlaki ang mga mata niya sa mga sinabi nito. Parang sinaksak nito ang puso niya sa sakit na nararamdaman niya. Mukhang hindi pa ito nakontento at binudburan pa nito iyon ng asin.
“Mag-dinner daw tayo sa bahay ninyo bukas,” paaskad nitong saad at umalis na ito sa harap niya.
Sa sinabi lang iyon ng asawa niya, naubos na ang lakas niya. Kaya hindi niya alam kung paano siya nakaakyat sa hagdan papasok sa kanyang kwarto. Doon niya pinakawalan ang luhang kanina pa niya tinitimpi. Ang sakit na nararamdaman niya ay parang bulaklak na namumukadkad sa kaloob-looban niya, gusto magparamdam sa lahat ng sistema niya.
Marriage is hardwork and compromise. Nabasa niya iyon sa isang libro, pero nakakapagod din pala kapag isang tao lang ang laging nagpapagod at nag-aadjust. Dahil ang relasyon na meron sila ng kanyang asawa ay parang pag-da-download ng isang pelikula na malaki ang memory at sinamahan pa iyon ng mabagal na wifi kaya. Mabagal ang progreso nila. Pero naghintay siya, nagtiis, ngunit sa isang kisipmata na lamang, may isang pakialamerang nagpatay ng wifi. Nawala ang pinaghirapan niya. Kung sana nga lamang may ‘resume download’ sa kanilang dalawa, ngunit wala.
Wala siya pwedeng gawin kundi hayaan ang sarili na lunurin ng sakit at katangahan niya, na kahit ang buwan at kidlat ay hindi makakatulong para mawala ang sakit na iyon.